TYRION LANNISTER Pagmulat ko ng aking mata ay parang nanaisin ko na lang na mahimatay na lang ulit dahil sa aking nasasaksihan. Hindi ko makita sa aking paligid sina David at ang iba pa. Bukod pa roon ay parang nasa ibang lugar ako ngayon. Med'yo madilim ang paligid, pero may nakikita pa rin naman ako kahit papaano. May isang tao na nakaupo sa isang malaking bato habang nakaharap sa direksiyon ko. Nakasuot siya ng kulay brown na kausotan at sa uri ng kaniyang pananamit ay masasabi kong isa siyang lalake kahit na mahaba ang kaniyang buhok. May hawak siyang spear. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi rin siya gumagalaw sa kinauupuan niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Inalam ko muna kung nakatali ang dalawang kamay at paa ko. N

