TYRION LANNISTER Sabay-sabay silang lumapit sa direksiyon ko at pagkatapos ay pinalibutan nila ko. Isa-isa ko silang tinitigan pabalik. May nais sana akong sabihin sa kanila, pero bigla kong naramdaman ang sakit ng natamo kong sugat kanina dahil sa paggulong ko. Hindi nagsalita ang mga kasamahan ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Sa halip ay lumapit sa akin si Rem at hinawakan ang dalawa kong braso. Sa una ay tinitigan niya ito at pagkatapos ay tinapat niya ang kaniyang dalawang palad sa braso ko. Umilaw ang kaniyang kamay ay nagsimula na siyang gamutin 'yon. Lumapit din sa amin ang iba naming mga kasama at tinitigan nila ang mga sugat sa aking binti, paa at maging sa aking tuhod. "G-Guys-" "Tyrion, buti na lang at masuwerte ka. Natalo ni David 'yong puno bago pa ito makap

