TYRION LANNISTER Halos sampung oras na siguro ang lumipas ngunit nasa himpapawid pa rin kaming anim. Pagkatapos kasi namin makarating sa kagubatan kahapon ay nagpahinga lang kami sandali at pagkatapos ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakbay. "Saan na tayo patungo ngayon?" tanong ko sa mga kasama ko dahil parang wala pang balak bumaba ang mga kasama ko at wala pa kaming nakikitang bayan. "Malapit na tayo, Tyrion. Kumapit ka lang ng maigi kay Rosanna dahil baka malaglag ka pagkababa na 'tin." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi ni Rem. Balak ba nilang bumaba sa lupa ng biglaan kaya pinapakapit nila ko ng mahigpit kay Rosanna? Hindi ko alam kung anong ibigsabihin nila sa kanilang sinabi kaya hindi ko na lang inisip ang tungkol doon. Maya-maya ay bigla na lang bumil

