TYRION LANNISTER 'Yong misteryosong lalake ay lumapit sa direksiyon ng kalaban at bumulong sa tainga ng mga ito. Pagkatapos niyang bumulong dito ay nakita kong sumenyas ang mga kalaban at sa isang iglap lang ay nawala na ang mga ito. Pagkalipas ng mga kalaban ay nanghihina akong lumingon sa tatlo kong kasama. Pinilit kong maglakad papunta sa maraming puno bago ako maupo at magpahinga dahil sa nangyari. Ang tatlo ko namang kasama ay nakasunod lang sa akin habang inaalalayan nila kong huwag matumba. Hawak ko ang isang balikat ko dahil iniingatan kong huwag umagos ang dugo ng husto sa balikat ko. Nang makaupo na ko sa ilalim ng puno ay agad akong lumingon ulit sa tatlo kong mga kasama. "Ano sa tingin n'yo ang dahilan at tila umatras bigla ang mga kalaban?" tanong ko pa sa kanila. Na

