Chapter 139

1036 Words

TYRION LANNISTER Nang mawala na ang nararamdaman kong pagkahilo ay umayos na ko ng pagkakatayo at sinubukan ko agad na pagmasdan ang aking paligid. Hindi ko agad napansin ang pagkawala ng tatlo kong mga kasama dahil naging abala ang aking paningin sa paligid. Hindi ko maintindihan. Bakit parang napunta na naman ako sa ibang mundo? May tumawag na naman ba sa akin mula sa ibang mundo? Tss. "Rhea! Tinatawag ka na ng kamahalan. Sinabi ko naman sa 'yo e. Huwag na huwag mong susuwayin ang utos sa 'yo ng kamahalan." Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng babae nang lumapit siya sa direksiyon ng lalake. Napataas ang isang kilay nang mapansin na tila kamukha nila ang mga kasama ko na hindi nakikita ng iba. Ang pinagkaiba lang nila ay tila mas mukhang normal ang mga tao na nakikita ko ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD