TYRION LANNISTER "Nakahanda na ba kayong umalis? May dadaanan tayong bayan para makapunta sa kanluran. May naririnig akong balita tungkol sa bayan na 'yon at hindi 'yon maganda kaya ngayon pa lang ay kailangan na na 'ting ihanda ang ating sarili." Hindi ko alam kung ilan beses na nagpaalala sa amin si Rem. Tanging tango na lang ang tinugon ko sa kaniya dahil med'yo naaantok pa ko. Madaling araw pa lang kasi gumising na kami dahil nais nilang umalis ng maaga dahil ang bayan daw na pupuntahan namin ay naglalaho kapag sasapit na ang dilim. Hindi ko mas'yado maintindihan ang mga paliwanag nila. Basta ay sasama na lamang ako sa kanila hanggang sa marating namin ang kanluran na sinasabi nila. Nilabas na nina Aurora at ng iba pa ang kanila walis. Pagkatapos ay agad silang sumampa rito. Sasa

