TYRION LANNISTER Pagkatapos kong maalis kay Rosanna ang itim na bato ay agad kong binalingan ng tingin ang dalawa ko pang mga kalaban ngayon. Bago ako nagsimula na lumapit sa dalawa ay nilagay ko muna si Rosanna sa ilalim ng puno at pagkatapos ay naglagay ako ng protection barrier sa kaniya. "Magpahinga ka na muna, Rosanna." Bumulong ako sa tainga ni Rosanna nang makita ko ang paggalaw ng talukap ng kaniyang mata kahit nakapikit siya. Alam ko kasing hindi naman talaga sila nawawalan ng malay sa tuwing bumabalik sila sa dati. Nararamdaman lang nila ang bigat ng kanilang pagkapagod na hindi nila nararamdaman noon. Samantala, naglakad na ko sa direksiyon nina David at Rex na kanina pa nilalabanan ang hangin na gawa ko. Napapailing na lang ako ng aking ulo sa tuwing nakikita ko sila na

