TYRION LANNISTER Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nagbabaka sakaling may magawa ako ibang paraan para maalis si Rosanna sa yelo na kinalalagyan niya ngayon. Hindi ko na nga napansin na nakakuyom na pala ang dalawa kong kamay habang nakamasid ako kay Rosanna. Tsk. Kung hindi ko siya maaalis agad sa yelo na gawa niya ay baka tuluyan na siyang mawalan ng hininga. Gano'n pa man, sinubukan ko ulit lumapit sa direksiyon ni Rosanna para sana hawakan ang yelo na gawa niya at alamin kung gaano ito kakapal subalit natigilan ako sa paglapit dahil biglang humarang sa aking harapan sina Rex at David. Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa direksiyon nina David at Rex na wala pa ring expression ang mga mata hanggang ngayon. Alam kong wala sila sa kanilang sarili ngayon,

