TYRION LANNISTER Pinagmasdan ko pa ang ilang bagay na maaaring makita sa nasunog na bahay sa parte na ito ng bayan. Hindi ko lang lubos na maintindihan. Bakit kailangan pa sunugin ng mga kasama ko ang bawat bahay na naisin nila kung malaman naman nila agad na wala ako roon? Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Sa halip na mag-isip tungkol doon, mas maganda kung unahin ko na lang ang paghahanap sa tatlo ko pang mga kasama. Samantala, hahakbang na sana ako ulit para maghanap sa ibang parte ng bayan subalit bigla akong natigilan nang may bigla na lang humarang sa akin ng isang malaking aso. Nakatingin ito sa direksiyon ko at tila kilala ako nito dahil sa akin lang talaga ito nakatingin. Kung sa bagay, ako lang naman kasi ang tao rito kaya hindi na nakakagulat kung s

