TYRION LANNISTER Gano'n pa man, gumamit ako ng hangin para matulungan akong bitbitin ang tatlo kong mga kasama na nawalan ng malay. Pagkatapos ay dinala ko sila sa ilalim ng puno kung saan wala mas'yadong tao. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid bago ako gumawa naman ng isang space magice para doon ko naman sila dadalhin at titingnan ang kanilang kalagayan. "Rhea, Chers at Harold. Naririnig n'yo ba ko? P'wede n'yo bang sabihin sa akin kung anong nangyayari sa inyo?" Naikuyom ko ang aking kamao nang makita ang nahihirapan nilang expression. Malalim ang kanilang paghinga at nanlalamig din ang kanilang katawan. Ang ibig kong sabihin ay mas malamig ngayon ang klima nila kumpara sa dati nilang klima kaya mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala. Hindi ko naman magawa na gamutin s

