TYRION LANNISTER Samantala, habang naglalakad kami ay hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng babae na mga nilalang na makikisali na sa alitan ng mundong ito. Pumasok sa isipan ko ang mga anghel dahil may anghel naman daw sa mundong ito at madali lang nilang nakikita katulad na lang na madali ko lang nakikita ang katulad ni Rhea na parang fairy kung ituring sa mundong pinagmulan ko, pero nawala rin naman sa isipan ko ang anghel dahil sabi nga ng babae ay mga nilalang. Kasama kaya sa mga nilalang ang anghel? Isang malalim na buntong hininga ang aking napakawalan. Kasalukuyan kaming naglalakad nang may bigla na lamang humarang sa aming dinadaan. Iba ang kasuotan nila kumpara sa mga kalaban na lagi naming nakikita at nakakalaban. Iba rin ang itsura nila sa lima naming kasama na wala sa k

