TYRION LANNISTER Huminto kami sa pag-uusap dahil naalala namin ang tungkol sa tumpok ng mga tao na nakita namin kama-kailan lang. Nalaman namin na hindi lang pala kami ang nakakaalam ng totoo dahil may iba rin pa lang mga tao ang nagnanais na mapaslang ang aming mga kalaban kahit na nasa kanluran na kami. Kung sabagay, magtataka rin sila kung makikita nila sa ibang bayan ang nangyayaring kaguluhan. Isa pa, nakakalat ang kalaban sa buong kanluran kaya hindi na nakakabigla kung may nakapansin talaga sa kanila. Marami na rin silang napaslang sa mundong ito. Ang totoo nga ay med'yo gumaan ang kalooban ko dahil hindi na lang kami ang lumalaban sa kanila kung hindi may iba na rin. Gano'n pa man, nais ko pa rin humingi ng tulong sa pinuno ng mga taga-kanluran. Kung may balak lang sanang s

