TYRION LANNISTER Kinalabit ko si Rosanna at hindi ko iniwan ng tingin ang taong nakita ko. Mukhang hindi napansin ni Rosanna ang tinitingnan ko dahil sa iba siya nakatingin kaya hinala ko na lang braso niya. "Bakit, Tyrion? Nagmamadali ka bigla d'yan e hindi na naman ako magpapalibre sa 'yo. Tss." Magkasalubong na ang dalawang kilay ko dahil sa inis. Hila-hila ko kasi si Rosanna kahit na nahihirapan ako sa paghila sa kaniya. Ang bagal kasi niya maglakad at parang ayaw niya pang magpahila sa akin. Tsk. "Huwag ka nang magtanong d'yan. Nakita ko ang tao na sinasabi mo at naglalakad na siya ngayon. Kapag nawala siya paningin ko ay ikaw ang sisisihin ko." Tumahimik bigla si Rosanna sa akin sinabi at nang maunawaan niya ang sinabi ko ay biglang bumilis ang paglalakad niya at nauna pa s

