TYRION LANNISTER Napahawak ako sa aking ulo dahil parang hindi ko na naman makontrol ang sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa aking mga kasama dahil parang hindi nila napansin ang nangyayari sa akin. "Mahal na prinsipe, anong nangyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Unang nakapansin sa akin ay si Rosanna nang mapatingin siya sa direksiyon ko. Siya kasi ang katabi ko sa paglalakad kanina pa. Umiling ako bilang tugon sa tanong ni Rosanna at pagkatapos ay napaupo na ko sa lupa dahil nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. 'Hindi! Huwag n'yong gagawin ang plano ninyo. ' 'Pero, ito lang ang tanging paraan.' 'Hindi. Ayaw kong magmukha kayong kontrabida. Ayaw ko!' Napahiga na ko sa lupa dahil hindi na rin ako makahinga ng maayos. Bakit may alaala na lagi na lang pumapasok sa isipan ko? Mga alaala n

