TYRION LANNISTER Nilusaw muna ni Aurora ang gate bago kami tuluyang nakapasok sa loob. Sumunod na lang ako sa mga kasamahan ko na nauna nang pumasok sa loob habang pailing-iling na lang ako ng aking ulo. Paano na lang kaya kung mali ang napuntahan naming lugar? Baka may mga inosenteng tao sa loob at kung ano na lang ang ipagawa sa amin dahil sa pinsala na ginawa ni Aurora sa kanilang gate. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kung p'wede ko lang sana iwan na lang ang mga kasama ko at ako na lang mag-isa ang maghahanap kay Leina dahil sa mga pinaggagawa nila ngunit hindi maaari. Hindi ko naman kasi kakayanin mag-isa. Kailangan ko ng kasama at isa pa, hindi ko pa sigurado kung hanggang saan ang lakas na mayroon si Leina. Ang problema ko lang ay kung paano ko makukulong

