TYRION LANNISTER Pagkalipas ng ilang minuto na aming paghihintay ng kasama ko ay bigla na lamang dumilat ang mata ng mga kasama ko na kanina lang ay tila wala nang pag-asa dahil parang nasa lalim na sila ng kanilang panaginip. Nanlaki ang mata ko dahil sa nangyari. Tumingin ako sa direksiyon ni Chers na humihikab na naman. Tumingin din siya sa direksiyon ko at dahil dito ay nagkasalubong ang aming mga mata. "Paano mo nagawa ang bagay na 'yon?" Pansamantalang nag-isip si Chers sa isasagot sa aking katanungan at nang magsasalita na sana siya ay hindi siya natuloy sa pagsasalita dahil nabaling sa iba naming kasamahan ang aming paningin. "Tyrion, nandito na tayo sa loob ng bayan?" Nakita ko ang naguguluhan na expression sa mukha ng mga kasamahan ko, pero nakahinga pa rin ako ng mal

