TYRION LANNISTER Bahagyang nag-isip ang mga kasamahan ko sa sinabi ni Rosanna. Importante kasi sa amin ngayon ang dumiretso na sa kanluran dahil baka may kalaban na naman na humarang sa amin subalit kailangan ko pa rin makita si Jade para magawa ang misyon ko na hindi naman alam ng iba kong mga kasama. "Sige. Isang araw lang ang ibibigay na 'tin para mahanap si Jade subalit kung hindi pa rin na 'tin siya makita sa loob ng isang araw ay kakailanganin na na 'ting magpunta sa kanluran dahil 'yon ang dapat na 'ting inuuna sa ngayon." Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni David. Samantala, nabaling ang atensiyon ko sa ibang direksiyon nang bigla na lang dumating sina Harold at Rhea na hinihingal pa. Mukhang nagmadali talaga sila para makapunta agad sila sa akin kaya bahagya

