TYRION LANNISTER Ginising ko si Chers na natutulog na naman habang nakalutang para makapunta na kami sa kagubatan. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang mapasadahan ko ng tingin ang aking mga kasama. Hindi ko namalayan na sa pagtagal ng panahon ay mas lalo pala kaming dumadami. Walo na silang lahat ngayon at kapag sinama pa ko ay siyang na kaming lahat. Napailing na lang tuloy ako ng aking ulo. Hindi ko alam kung may magnet ba sa katawan ko dahil dumadami lalo ang mga kasamahan namin habang tumatagal. "Humanda na kayo. Magsisimula na si Chers na ilipat tayo sa kagubatan." Tumango na lang sa akin sila bilang tugon. Si Chers naman ay pumunta na sa aming harapan at pinikit na niya ang kaniyang mga mata. Kinumpas niya ang kaniyang kamay at umusal na siya ng isang spe

