TYRION LANNISTER Pare-pareho kaming natigilan dahil sa pagdating ni Jade. Hindi namin alam kung anong gagawin naming reaksyon. Nakatingin lang kami sa kaniyang sugat habang ako naman ay lumayo ng konti sa kaniya dahil baka may gawin na naman itong hindi maganda. Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Natigilan ako nang makita ko ang expression nina David at Aurora. Para na silang maiiyak habang nakatingin sila sa direksiyon ni Jade. Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang tumakbo sa direksiyon ni Jade sina Aurora at David kahit na hindi pa rin nagbibigay ng kahit na isang salita sa amin si Jade. "Jade, anong nangyari? Bakit may sugat ang braso mo?" Hindi sumagot si Jade sa tanong ni David sa kaniya. Sa halip ay yumuko lang siya ng ilang sandali at pagkatapos ay inangat na ulit niy

