REM Natigilan kaming lahat nang bigla na lang bumagsak sa lupa si Tyrion at nawalan ng malay. Hindi na namin siya nasalo dahil hindi rin naman namin inaasahan ang pagbagsak niya. "Tyrion!" sabay-sabay na sigaw namin sa direksiyon ni Tyrion. Agad na naglakad ang mga kasamahan ko sa direksiyon ni Tyrion para tingnan ang kalagayan niya. Nais ko na nga rin tingnan siya, pero natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang mahinang tinig ni Rosanna sa aking tabi. Nagsalubong pa ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Hindi ko kasi mas'yadong naririnig na magsalita si Rosanna dahil minsan lang naman kasi siya nakikisali sa amin. Minsan nga ang nakakalimutan ko na kasama pala namin siya. "Naganap na. Lumabas na rin ang ibang parte ng kaniyang lakas." Sinundan ko ng tingin ang direksi

