TYRION LANNISTER "Anong ginagawa mo, kamahalan?" Ngumiti ako sa kanila bago ko napagpasiyahan sagutin ang katanungan ni Harold. "Nilagyan ko kayo ng isang connection magic kung saan kaya ninyong maramdaman kung nasa panganib man ako at gano'n din naman ang mararamdaman ko sa oras na manganib kayo. Sa pamamagitan nito ay magagawa n'yo nang sundin ang sinasabi ko kanina at hindi n'yo na kailangan maghiwalay para bantayan ako, hindi ba?" Hindi sumagot sa akin 'yong tatlo, pero batid ko naman na naintindihan nila ang sinabi ko. Tinuro ko ang daan patungo sa labas ng kuweba at pagkatapos ay muli akong ngumiti sa kanila. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ko ang pagbumuntong hininga ng tatlo sa akin. Seryoso nila kong binalingan ng tingin. Hindi ko maiwasan mapangiti nang mapansin ko

