Chapter 35

1267 Words

Kasing gulo ng mundo ang buhay ko ngayon. Sinasabi nila na may dadating at umaalis na tao sa buhay mo ngunit iba ‘ata sa akin. Marami na ang umalis sa buhay ko. At ang masama pa ay hindi na sila babalik, kailanman. Minsan naiisip ko kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin. Napapailing na lang ako at napapangisi. Inaamin ko na marami na rin akong masamang nagawa ngunit...parang labis naman ito. Nawala si Kuya Asher, Tita Malou, Dad, at si Mommy. Minahal ko sila kahit alam kong magulo ang aming pamilya. Kahit ang iba sa kanila ay ayaw sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga. Sinandal ko ang aking likod sa likod ng aking upuan habang may hawak na wine glass sa kanang kamay. Isang taon na ang nakaraan nang mawala ang aking Ina. Sadyang napakabilis ng mga araw. Inaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD