Dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang hindi magising si Olivia. Sumilip muna ako nang magkaroon ito ng kaunting kawang. Mahimbing ang kaniyang pagtulog habang yakap-yakap ang aking unan. Napangiti ako nang mapatitig sa mala-anghel at maamo niyang mukha. Hindi ko inalis ang aking paningin sa kaniya habang pumapasok sa loob. Maingat kong sinaraduhan ang pinto saka naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi. Sobrang ganda talaga niya. Hanggang ngayon hindi ako nagsasawa sa kaniyang labis na ganda. Patagal nang patagal lalong lumalala ang pagmamahal ko sa kaniya. Bawat minuto lagi ko siyang naiisip. Maliban kay Alexa. Si Olivia rin ang nagbigay ng dahilan upang ipagpatuloy ko ang aking buhay. Sila na lang dalawa ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Sila na lang dalawa ang buhay

