Iba’t ibang kaso ang aking inayos upang hindi nila makuha ang aming yaman. Sa tulong ng abogado ng aming pamilya ay mas lalo pa kaming nanalo. Pinipilit nila akong tibagin sa aking pagkaupo. Mga halata silang mukhang pera. Napahilot ako sa aking sintindo nang maramdaman ang pagkirot nito. Ilang oras na akong nakatingin sa aking laptop na halos hindi ko na namalayan na nalipasan na pala ako ng gutom. Mariin akong pumikit at tumingala. Sinandal ang likod sa backrest ng aking swivel chair. Nanatili ang ganoong p'westo ko ng walang sabi-sabing bumukas ang pinto ng aking opisina. Hindi ako nag-abalang tumingin sa kaniya sa labis na pagod. “Sir Jayden,” sabi nito. Hindi ako sumagot. Masakit pa rin ang aking ulo. Hindi na rin tama ang oras kapag ako natutulog ngunit hindi ko nakakalimutang

