“Ano’ng nangyari?!” malakas kong sigaw sa aking mga tauhan na nakatayo sa unahan ng aking lamesa. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag kunin ang baril sa ilalim ng lamesa at isa-isahin ang mga t*nginang mga nasa harapan ko! Hindi nila ginagawa nang mabuti ang kanilang trabaho. Mga t*ngina! Ang dapat na inaangkat na mga baril sa Russia ay natigil dahil sa mga tauhan ng mga kalaban ko. Ngayon lang ulit sila nagparamdam at kumilos. Pinakialaman ang aking trabaho! Natatakot ba sila na malamangan ko? Natatakot ba ang Eternity na iyon na unahan ko sila? Isa iyon sa pinakamahal at pinakamalakas kong mga armas ngunit inagrabyado nila dahilan ng hindi ito nakarating sa Russia. Pinigilan sila ng aking mga tauhan ngunit maraming namatay. Kung hindi lang ako abala sa mga negosiyo ko rito sa Am

