"Tapos na," masayang ani ni Alexa ng makababa ito ng hagdan. Tumango lang ako sa kaniyang ng isang beses saka tipid na ngumiti. Hawak niya ang maliit na bag ganoon din si Olivia nang makababa ito. Lumapit ako sa kaniya at ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang baywang. Nakatingala ito sa akin habang may malaking ngiti. Hinalikan ko ang kaniyang noo na mahina niyang ikinatawa. "Mahal kita, Olivia," saad ko sa aking dyowa. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya dahil hindi ko alam kung ito na ang huli naming pagkikita kung sakali. May pangamba ako na may masamang mangyayari ngunit ipapangako kung makakalabas sila ng buhay. "Mahal din kita." Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsalikop ito na aking ikinangiti. Tumingin ako kay kay Mommy. May dismayado at pag-alala

