Nakatulala lang ako sa kawalan habang ginagamot ng nurse ang aking braso na may sugat. Wala akong pakiramdam ngayon. Ni hindi ko alam na tapos na pala niyang lagyan ito ng alcohol. Hindi pa rin ako nagbibihis ng damit. Halos hindi ko mabitawan ang walang buhay na katawan ni Betty nang kunin ito sa akin ng aking mga tauhan ko kanina. Kinuyom ko ang aking kamao, nakatingin lamang sa sahig ang aking mga mata hanggang lumalabas ang nurse. Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Nang biglang bumukas ang pinto. Malakas na kumalabog ito saka iniluwa ang aking Ina. Umuusok ang kaniyang tainga sa sobrang galit. Mapula ang mukha hanggang sa leeg. Nakabihis na siya at maayos na rin ang kaniyang buhok. “Ano ba’ng iniisip mo kanina?!” singhal niya sa akin. Nanatili ang walang buhay kong mukh

