Malakas ang pintig ng puso ko habang pabalik-balik ang aking lakad sa tapat ng pintuan. Nakatulala lamang si Dad habang nakaupo. Katabi niya ang aking kapatid, si Mommy, at ang aking nobya. Nasa malalang kondisiyon ngayon si Tita Malou. Kinuyom ko ang aking kamao. Sinabunutan ang sarili sa sobrang pag-iisip. Nawala na ang isang miyembro ng kanilang pamilya, ‘wag naman pati si Tita Malou ay mawala rin! Tahimik lamang na umiiyak si Alexa. Mabilis ang aking paglingon nang bumukas ang pinto. Lumabas doon ang doktor ni Tita Malou na galing pa sa ibang bansa. Sinarado niya ang pinto. Nakatakip ng mask ang kalahati ng kaniyang mukha habang malungkot na nakatingin sa amin. Bumilis pa lalo ang pagtibok ng puso ko. Sumikip ang aking paghinga. Umiling siya, dismayado. Napasinghap ang laha

