Mabilis kong sinipa ang lalaki saka ito binatukan nang malakas gamit ang hawak kong baril.
Bumulagta ito sa sahig, walang malay.
Walang emosiyon akong napangisi saka kinuha ang dalawang paa at hinila patungo sa malagong halaman upang itago.
Mahigit sampo na ang aking napatumba. Nandito ako ngayon sa hideout ng Eternity kung saan sila nagtatago. Paiba-iba ang kanilang hideout dahil marami rin ang galit sa kanilang grupo.
Hindi naman sa takot sila. Nagpapalipat-lipat sila dahil ilan sa ibang gang ay sumusugod sa kanila.
Tahimik akong naglalakad. Nagtatago minsan kapag nakikita ang mga armadong lalaki na nagbabantay. Nasa loob ngayon si Anderson, ang bagong pinuno ng Eternity Group.
"Sir, sa kaliwa mo."
Mabilis akong tumago nang marinig mula sa kabilang linya ang boses ng isa sa mga tauhan ni Dad. Nakapasok sa aking tainga ang earpiece upang makakonekta sa mga ito. Sila ang nagmamanman sa buong hideout.
Ilang oras din ang ginawa nilang pag-h-hack sa kanilang security nang hindi napapansin ng mga ito.
Bahagya akong sumilip at tumago rin agad nang makita ang paparating na lalaki. Nakasabit sa kaniyang balikat ang mahabang baril na sa tingin ko ay nagmula pa sa ibang bansa. Bibihira lang kasi ang magkaroon ng ganoong baril.
Bigla kong hinawakan ito sa leeg saka walang pagdadalawang-isip na inikot iyon dahilan ng malagutan ito nang hininga.
Malalaki ang kanilang mga katawan ngunit mas mabilis akong kumilos kaysa sa kanila. Tss.
Mga tauhan ba talaga ito nang Anderson na 'yon?
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad.
Tahimik akong pumasok sa loob. Malinis ito at malawak.
Tumakbo ako saka nagtago sa likod ng malaking vase nang makita ang dalawang lalaki na nagtatawanan.
"G*go, dapat ginahasa mo na 'yong babaeng anak ng Lennon na 'yon!"
Dumilim ang aking mukha sa narinig. Kinuyom ko ang aking kamao. Pinag-uusapan nila ay ang aking kapatid. H*yop sila!
"Sayang nga, e. Ang bilis kumalat ng apoy. Siyempre kayamanan ang uunahin ko!" Malakas itong tumawa.
Kinuha ko ang aking baril na nakasabit sa aking baywang. Hinanda ang sarili upang patayin ang mga h*yop na lalaki na 'to.
"G*go ka! Kayamanan din ang babaeng iyon! Balita ko batang-bata pa no'n. Siguradong wala pang nakakati—"
Mabilis akong tumakbo saka sila sinunggaban. Hindi sila nakapaghanda at nakagalaw agad dahil sa gulat nang makita ako.
Malakas kong sinuntok ang isa dahilan ng pagdugo ng ilong nito. Sinunod ko naman ang isang lalaki saka pinagsusuntok ito sa galit.
Kita sa gilid ng aking mata ang pagtayo ng una kong sinuntok ito.
May kinuha siya sa baywang saka tinutok ito sa akin.
Malakas at mabilis kong sinipa ito dahilan ng pagtilapon sa pader. Nakagawa ito nang malakas na ingay.
"Tangina!" madiin kong mura.
"H*yop ka!" sigaw ng lalaki saka kinuha ang isang vase na nasa tabi niya at malakas na tinapon sa akin.
Umilag ako at mabilis na lumapit sa lalaki. Binalian ko ito sa leeg. Bumagsak siya sa sahig.
Napahawak ako sa aking leeg nang litikin ako ng isa pang lalaki. "Paano ka nakapasok dito?! H*yop ka!"
Rinig ang maraming yabag mula sa labas. Papalapit na ang mga nagbabantay dito sa loob.
Binuhat ko ang lalaki na nasa likuran ko saka ito binalibag sa sahig dahilan ng pag-ungol nito sa sakit ng likod
Kinuha ko ang baril ko na nasa sahig saka naglakad.
Mabilis akong umakyat sa pangalawang palapag. Sakto namang pagpasok ng mga lalaki. Agad silang lumapit sa mga walang malay saka nilagay ang kamay sa leeg ng lalaking binalian ko kanina ng leeg.
Bakit hindi pa lumalabas ang Anderson na 'yon? Hindi niya ba narinig ang ingay mula sa labas?
"Sa kanan ang silid niya, sir."
Sinunod ko ito saka dahan-dahang pinihit ang doorknob.
Napaayos ako nang tayo nang makita si Anderson na komportableng nakaupo sa sofa habang hawak ang alak at sigarilyo. Bumuga ito nang makapal na usok.
Walang emosiyon akong pumasok habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Nakangisi itong nakatingin sa akin. Parang kanina pa niya hinihintay ako na makapasok sa kaniyang silid.
"Akala ko hindi ka na aabot dito." Sumimsim siya sa kaniyang baso.
Umigting ang aking panga. Hinigpitan ang kapit sa baril. Pinakiramdaman ang buong paligid.
"Nandito ako para patayin ka."
Mahina siyang tumawa sa aking sinabi saka umiling. Bumuga ng usok saka pinanood ito hanggang sa mawala.
"Jayden Lennon." Sumulyap siya sa akin. "Hinayaan kita na pumasok sa aking teritoryo dahil may sasabihin ako sa'yong importante."
Nakangisi ito saka tumayo. Nilagay ang hawak na wine glass sa ibabaw ng lamesa saka pinatay ang kaniyang sigarilyo sa ashtray.
"Gusto kong maglaro."
Tinikom ko ang aking bibig. Masama ang aking tingin sa kaniya. Bata ba siya?! Ano ba'ng iniisip ng isang 'to?!
Isang beses akong humakbang palapit sa kaniya. "Wala akong panahon sa ganiyan."
Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan kaya sumugod ako. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ng bigla akong bumagsak. Tumilapon ang baril sa malayo. Ramdam ang pagputok ng aking labi dahil sa malakas na pagsuntok.
Hindi ko naramdaman ang presensiya ng kung sino. Hindi ko nakita ang kamao nito dahil sa sobrang bilis.
Walang emosiyon kong hinawi ang dugo sa labi saka tumingala sa tumatawang si Anderson. Katabi nito ang walang emosiyong lalaki. Puro peklat ang katawan at puno ng tatto.
"Sabi ko sa'yo gusto kong maglaro," Malaki ang ngiti niyang sabi. Unti-unti 'yong nawala saka napalitan ng seryosong mukha. "Namatay pati ang Daddy ko sa pagsabog… pero wala naman akong pakialam sa isang 'yon."
Pinagpag ko ang sarili habang tumatayo. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Lahi niya ang mga d*moniyo.
"Hindi pa kita papatayin. Maglalaro pa ako."
Tumingin ako sa kan'ya. Nakangisi na ito. Humalukipkip siya.
"Sa tingin mo kanino ako magsisimula? Kay Daddy? Kay Mommy?" Dumilim ang aking mukha. "Kay Stepsister? Stepmom o Kay Girlfriend?"
Nilagay niya ang kamay sa baba na parang nag-iisip. Malademonyo siyang tumingin sa akin.
"Pag-iisipan ko pa kung kanino ako magsisimulang maglaro, Jayden."
Laro?! Para sa isang 'to ay laro lamang ang pagpatay?!
Umiling ako na ikinawala ng ngisi niya. "Gusto mo ng laro? Sige maglalaro tayo, Anderson."
Ngumisi muli ito saka tinuro ang relo na nasa pulso niya. "t****k. t****k "
Lumabas ito sa silid kasama ang lalaking sumuntok sa akin.
Walang emosiyon ang aking mukha na nakatingin sa kawalan. Gagawin ko ang lahat para manalo sa larong ito. Mananalo ako! At papatayin ko lahat ng taong nanakit sa Kuya at pamilya ko!