Chapter 6

2174 Words
Maaga akong nagising kanina upang umalis at maghanap ng matitirhan ngunit bigo pa rin ako. Hindi ako nagpaalam sa matandang lalaking kumupkop sa akin kagabi dahil sobrang sarap nang tulog nito at naghihilik pa. Umupo ako saka malakas na bumuntong hininga. Lahat ng nakakausap kong landlady ay sinasabing wala nang bakanteng kuwarto sa kanila. Magkano kaya ang ibinigay sa kanila ni Daddy para lamang tanggihan ako? Hanggang ngayon dala ko pa rin ang aking bag na may lamang mga gamit ko. Hindi pa ako naliligo magmula kahapon ngunit hindi pa naman ako mabaho at madungis. Mukhang pagod lang. Tumingala ako. Sobrang tirik ng araw. Nakapapaso ang init nito sa aking balat. Animo'y nasa loob ako ng oven sa sobrang init. Lumunok ako. Halos matuyo na ang aking laway. Napailing ako. Hindi pa nga pala ako nakakainom ng tubig magmula kanina. Pinaglandas ko ang aking buhok gamit ang isa kong kamay. Tumatagaktak na ang aking pawis sa noo at nalalaglag ito patungo sa aking panga. Malapit na ring maubos ang aking pera mula sa aking ipon. Kailangan ko na talagang makahanap ng titirahan at trabaho. Baka kailangan ni Mommy ng pera para sa gastusin sa kanila. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa saka tingnan kung anong oras na. Mag-a-alas nueve na ng umaga. Malapit na ang aking pasok. Kailangan ko nang maghanda. Malapit lang naman mula rito ang University na pinapasukan ko. Lalakarin ko na lang para makatipid. Tapos ilalagay ko na lang muna ang aking bag sa locker o ‘di kaya'y sa tagong lugar na lang. ‘Di na rin ako kakain nang tanghalian para makatipid. Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito. Kumunot ang aking noo dahil tanging numero lamang iyon. Sinagot ko ito saka itinapat sa tainga. “Hello. Maaari ko po bang makausap si Mr. Jayden Lennon?” “Kausap mo na," ani ko habang nakakunot pa rin ang aking noo. Nakatingin sa kawalan. Mahinang tumikhim ang nasa kabilang linya. "Gusto po naming ipaalam sa inyo na hindi ka na po puwedeng pumasok sa Xavier University." “Ano?!” singhal ko sa narinig. Muli itong tumikhim. “Paumanhin po pero kailangan ka naming alisin sa ami—” “Wala kayong karapatan na alisin ako ng walang rason!” Madilim na ang aking mukha at nagtatagis ang aking panga. Wala akong pakialam kung pagtingnan na ako ngayon ng mga taong dumadaan sa harapan ko. ‘Yon na lamang ang tanging paraan para matupad ko ang aking pangarap at para makaganti. “Bagsak po kayo sa lahat ng subject. Kaya may karapatan po kaming patalsikin ang mga estudyanteng mababa ang grado," kalmadong sabi nito sa kabilang linya. “Ano’ng sinasabi mo?! Ginagawa ko lahat ng mga exams at project! Papaano ako babagsak no’n?!” Imposibleng babagsak ako. Ginawa ko ang lahat upang pag-aralan ang mga lessons namin. Sinisingit ko ang paggawa ng mga proyekto sa aking trabaho. Kahit pagod na pagod ako. Hindi ako natutulog hangga’t hindi ko natatapos iyon kaya imposible! “Hindi lang po iyon… “ Mariin kong tinikom ang aking bibig at nakinig sa kaniyang sasabihin, “Nalaman din po namin na sangkot kayo sa mga fraternity. Alam niyo naman po ang patakaran ng aming paaralan.” T*ngina! Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa na naman nito. Galit kong pinatay ang tawag. Wala na akong magagawa kung ang walanghiya kong Ama na mismo ang nag-utos na patalsikin ako. Ginagamit niya na naman ang h*yop niyang kapangyarihan para lamang masunod ang gusto niya. Kinuyom ko ang aking kamao. Nag-alab sa galit ang aking nararamdaman. Lalong nagpawis ang aking noo. Hindi pa ba tapos ang kamalasan ko? Nagngitngit ang aking ngipin. Sumusulyap ang mga babaeng dumadaan sa aking harapan saka nagbubungisngisan na parang kinikilig. Matalim ang mata ko silang binalingan ng tingin. Mabilis nilang iniwas ang nata sa akin at nagmamadaling naglakad palayo.. Bigo kong sinuklay muli ang aking buhok gamit ang aking kamay saka nakita ang isang bote ng tubig na nakatapat sa aking mukha. Nagpapawis ito sa lamig. Tumingala ako upang malaman kung kaninong kamay iyon. Napakurap-kurap ako nang masinagan ng araw ang aking mata. Hindi ko makita kung sino ang nasa harapan ko. Nang masanay na ang aking mata sa sinag ng araw ay nakita ko ang maamong mukha nito habang nahihiyang nakatingin sa akin. Ang kayumanggi nitong mga mata na halatang halata mula sa kinaroronan ko. Sumasabay ang kaniyang kulot at mahabang buhok sa hangin. Para siyang nang galing sa kalangitan dahil sa sobrang puti ng kaniyang balat. Medyo kumikislap ito dahil sa sinag na dala ng araw. Sobrang ganda niya. “Ahm… “ Napakurap-kurap ako nang marinig ang mahina niyang tikhim. Mabilis na kumabog ang puso ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. Nab-blangko ang aking utak. “B-Baka nauuhaw ka… uh… m-mainit kasi.” Bumaba ang aking kamay sa hawak niyang bote ng tubig. Muli akong tumingin sa kaniya. Hawak ng isa niyang kamay ang dalawang libro. Nakasuot ng puting bestida na lalong nagpatingkad sa puti niyang balat. Lalong naging maamo ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang salamin. “Salamat,” sabi ko. Kinuha ko ang bote ng tubig sa kaniyang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Bahagya niyang tinaas ang salamin sa ilong dahil medyo nalalaglag na ito. Binuksan ko ang bote saka uminom doon. Medyo guminhawa ang aking pakiramdam nang dumaloy ang tubig sa tuyo kong lalamunan. Binasa ko ang aking labi gamit ang aking dila saka sinarado ang bote. Napatingin ako sa kaniya. Nasa harapan ko pa rin siya. Parang hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Nahihiyang kinagat nito ang korteng puso niyang labi dahilan ng sobrang pagkapula nito. Napalunok ako at nakaramdam muli ng pagka-uhaw. Umiwas ako ng tingin saka naiiling sa naisip. Matagal-tagal na rin mula ng may maikama akong babae. Dala lang ‘ata ito dahil nasanay na akong linggo-linggong may tinatalik. Maraming nakapilang sa aking babae. Sila na mismo ang lumalapit sa akin para lamang tikman ako. Sino ba naman ako para tanggihan sila? Ngunit ang iba sa kanila ay hinahabol ako pagkatapos ng nangyari sa amin at sinasabing nabuntis ko sila. Muli akong napailing. Mas maingat pa ako sa maingat. Hindi ko hahayaang makabuntis ng hindi pa ako handang maging Ama. At lalong hindi ko hahayang makapag-asawa ng mukhang pera. Ginagawa lang nila iyon dahil alam nilang anak ako ng isang bilyonaryo. Napaayos ako ng upo nang tumabi ang babae sa akin. Naamoy ko ang matamis nitong amoy. Napapikit ako habang nilalanghap iyon. Nakakaadik ang amoy niya. Yumuko ako. Bakas ang pagtayo ng aking alaga. Tama pa ba ito? Amoy niya pa lang iyon! Saka ngayon ko pa lang siyang nakita. Lahat ng naging babae ko noon kailangan pang galawin ang aking alaga para mabuhay. Kita sa gilid ng aking mata ang pagtingin nito sa aking bag na nakalapag malapit sa aking sapatos. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Buong buhay ko wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao pero ngayon?! Hindi ko na alam. Hindi ako tumingin sa kaniya. Pinatigas ko ang aking mukha at tinago ang pagkapahiya. “Naglayas ka?” aniya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Parang sining ang boses nito sa aking tainga. Para kang hinihele. Mahina akong tumikhim saka lumingon sa kaniya. Naabutan ng aking mata ang titig niya sa akin bago siya nag-iwas. Pumula ang pisngi nito na lalong nagbigay sa kaniya ng kagandahan. Pinaglalaruan niya ang kaniyang dalawang kamay. Nakapatong ang libro sa kaniyang hita. Nasa gilid naman niya ang kulay pink niyang bag. "Hindi," malamig kong sagot sabay tingin sa ilang sumusulyap sa aming tao. Kita sa gilid ng aking mata ang mabagal niyang pagtango. “May nahanap ka ng matutuluyan mo?” Napatingin muli ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata na ikinalunok ko. Nakangiti na ito sa akin. Kita ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Nakangiti rin ang kaniyang mga mata. "Bakit? Tutulungan mo ako?” pabiro kong sabi sabay mahinang tumawa. Bakit niya ako pinakikialaman? Hindi niya ako kilala. “Uh… O-Oo s-sana… " Napatigil ako sa pagtawa sa narinig. Umiwas ito ng tingin sa akin. Halata ang kaba sa kaniyang mukha. Kinagat niyang muli ang labi saka bahagyang ngumuso. “Kahapon kasi nakita rin kita,” mahina niyang sabi ngunit pakinig ko iyon. "Kaya… nilapitan kita at mukhang wala ka na namang nahanap na matutuluyan." Lumingon siya sakin. Tipid na ngumiti. “N-Naisip ko… na puwede kitang patuluyin sa bahay ko." Pumula ang mukha nito. Halos hindi na makatingin sa akin. Seryoso naman ang aking tingin sa kaniya. “Ano’ng gusto mo?” malamig kong sabi na ikinalaki ng kaniyang mata. Pulang pula ang mukha nito hanggang leeg. Lahat ng babaeng lumalapit sa akin ay gusto iyon. Gusto nila ng kapalit. “W-Wala,” nauutal niyang sabi na ikinataas ng aking kilay. Wala sa mukha niya na gusto niyang makipagtalik sa akin pero anong gusto niya? “N-Naaawa kasi ako sa’yo.” Yumuko ito. Nagtiim-bagang ako. Naaawa? Dumilim ang aking mukha saka umiwas ng tingin sa kaniya. Oo nga pala. Nakaaawa nga naman ang kalagayan ko ngayon. Kun’di lang dahil sa hayop na Eternity Group na iyon at sa Ama ko, hindi ako magkakaganito. Umiling ako at natawa sa sarili. May kasalanan din ako. “Wala naman akong gustong kapalit. Gusto lang talaga kitang tulungan… “ Muli ako lumingon sa kaniya. Ilang segundo ko siyang tinitigan. Halata sa mukha at boses niya na nagsasabi siya ng totoo. “Bakit?” tanong ko. Malungkot itong ngumiti habang nakatingin sa kawalan. “Pinagdaanan ko na kasi ang nararanasan mo ngayon.” Tumingin sa akin. Bakas ang lungkot sa kulay kayumanggi niyang mga mata. “Minsan na rin kaming nawalan ng matutuluyan kaya nang nakita kita, naalala ko na naman ang nakaraan ako.” Ramdam ang pagkirot ng aking dibdib ng may lumandas na isang butil ng luha sa kaniyang pisngi. Umiwas ito ng tingin saka pinunasan iyon. Mahina itong tumawa at suminghot. “Pasensiya na. Nadala lang ako.” Tumingin ako sa aking bag. Hakbang ba ito sa pagbabago ng buhay ko? “Magbabayad ako sa iyo buwan-buwan,” sabi ko. “Hindi naman na kailangan tulong ko sa—" “Magbabayad ako," diin kong sabi. Tama na sa akin na patuluyin niya ako sa kaniyang tahanan. Ngunit kailangan ko siyang bayaran. Hindi naman puwedeng wala akong pakinabang sa kaniya. “K-Kung ‘yan ang gusto mo.” Ipinalibot ko ang aking paningin sa loob ng kaniyang bahay. Hindi ito gaanong malaki at hindi rin maliit. Malinis at malawak ang loob ng kaniyang pamamahay. Mukhang alagang alaga rin ang kaniyang hardin sa harap ng bahay. “Uh… upo ka muna.” Nilahad niya ang kaniyang kamay sa sofa na nasa harapan namin. May malaking telebisiyon siya. “Kukuha lang ako ng maiinom.” Tumango ako sa kaniya. Taranta siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan ngunit napatigil at humarap sa akin. “Kumain ka na ba?” tanong niya. Biglang kumalam ang aking tiyan sa kaniyang tanong. Mahina itong tumawa na ikinaiwas ko ng aking mata saka bahagyang ngumuso. Bakit ngayon ka pa tumunog? Nakakahiya sa kaniya. “Hintayin mo lang ako rito. Mabilis lang ito,” saka pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay kusina. Kakaunti lamang ang kaniyang mga dekorasiyon. Halata na babae ang may-ari ng bahay na ito. Ang kulay ng kaniyang sofa ay light pink. Inabot ko ang teddy bear na nasa gilid ko lang. Maging ito ay kulay pink din. Gusto niya ang kulay pink, huh? Umangat ang gilid ng aking labi ngunit mabilis iyong winaksi. Huminga ako nang malalim. Bakit nakaramdam ako ng saya? Umiling ako. “P-Pasensiya ka na medyo natagalan.” Umayos ako ng upo nang nilapag nito ang pagkain sa center table. Hinawakan ko ang aking tiyan ng muli itong tumunog. Sumulyap siya do’n at ngumuso, pinipigilang matawa. “Hindi ka pa ba kumakain?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Tumayo ito at humarap sa akin. Abot ng aking ilong ang halimuyak niya kahit malayo siya. “Kumain ka muna. Aayusin ko lang ang magiging kuwarto mo.” “Salamat,” mahina kong sabi. Hindi nakatingin sa kaniya. Kalalaki kong tao ngunit nandito ako, mahirap pa sa mahirap. “Walang anuman.” Tumalikod ito upang umalis ngunit napatigil ito sa aking tanong. “Ano’ng pangalan mo?” Humarap ito sa akin. Malaki ang kaniyang ngiti. “Olivia.” Tumayo ko saka lumapit sa kaniya. Isang hakbang itong umatras. Kita ang paglunok habang nakatitig sa aking mukha. Ngumiti ako sa kaniya nang tumigil sa kaniyang harapan. Yumuko ito saka nilagay ang dalawang kamay na nanginginig sa kaniyang likod. Nilahad ko ang aking kamay sa kaniya. Tiningnan niya iyon. “Jayden,” pagpapakilala ko."Jayden Lennon.” Kinagat niya ang kaniyang labi saka tinanggap ang aking kamay. Muling kumabog ang aking puso nang maramdaman ang malambot niyang palad. Medyo malamig ito ngunit bagay na bagay sa aking mga kamay. Tumingala siya sa akin. Malaki ang agwat ng aming tangkad. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin sa kaniyang maamong mukha. May nagsabi na kaya sa kaniyang maganda siya? Sobrang ganda niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD