“Are you both ready?” agad na tanong ni Kerby sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto. Araw na ng Sabado at naghahanda na kami para pumunta sa birthday ni Jeremy. Cute na cute si Nexus sa suot niyang red polo shirt, maong na pantalon at itim na sapatos. May suot din siyang itim na jacket at itim na bonnet dahil medyo malamig ang panahon at umuulan. Habang ako naman ay nakasuot lang ng puting bulaklaking spaghetti strap na bestida na pinarisan ko ng white cardigan at doll shoes na itim. Nakasanayan ko na ring magsuot ng pangbabaeng damit kaya’di na ako naiilang, ‘di gaya ng dati na para akong nangangati kapag nakakasuot ng dress. “Yes, Tito Kerby! Babe is so pretty po, ‘no?” puri sa akin ng anak ko na nakahawak sa kanang kamay ko. “Of course, Nexus kaya nga ang cute-cute mo rin dahil pr

