Agad na umakyat sa tree house si Samuel ng makita na doon pumunta ang dalagang si Catherine. Napahinga muna sya ng malalim bago pumasok at sinara ang pinto. Napapikit sya ng agad na sumalubong sa kanya ang pagtama ng isang unan sa kanyang mukha. Dumilat sya at napatingin sa dalaga na nakahalukipkip at masamang nakatingin sa kanya.
"Sinungaling! Kakasabi mo lang na hindi ka mambabae!"
Pinipigilan nya ang mapangiti sa naging reaksyon at sinabi nito. Nilock nya ang pinto at lumapit sa table para ilapag ang dala-dala nyang pagkain para sa dalaga.
"Nagseselos ka naman agad, nakasalubong ko lang si Felicia."
Nilabas nya ang mga dala nyang pagkain at binuksan. Nang maiayos na nya ay tumingin sya sa dalaga na nakatalikod habang nakatanaw sa bintana. Lumapit sya rito at yumakap mula sa likod nito.
"Kumain ka na, kinuha ko pa ito sa bahay namin." bulong nya habang inaamoy-amoy ang leeg nito at binibigyan ng halik.
"Ayoko, busog pa ako."
Napangiti sya at pinasok nya ang isang kamay sa short nito na pipigilan sana sya ngunit huli na dahil nahawakan na nya ang pwerta nito.
"Busog ka ba dahil sa tinanim ko?" pilyo nyang bulong at pinaglaruan ang pwerta nito na kinahalinghing nito. Gumapang ang isang kamay nya papasok sa t-shirt nito at mariing pinisil-pisil nya ang isang dibdib nito na kanyang pinanggigigilan.
"A-Ano ba...uhh!"
"Bago pa mangyari na busugin kita sa sarap, dapat na kumain ka muna dahil ayokong walang laman ang tiyan mo, Misis ko."
Hininto na nya ang pagchansing sa dalaga at hinawakan nya ang kamay nito at hinila nya ang dalaga palapit sa table nya. Hinila nya ang upuan at dahil iisa lang ito kaya naupo sya at hinila ang dalaga paupo sa pagitan ng hita nya. Nilapit nya rito ang pagkain at sinandal ang kamay sa lamesa.
"Kain na."
Pinanood nya lang ito ng magsimula na nitong galawin ang pagkain. Napansin nya na nahihirapan ito dahil sa buhok nitong nahuhulog sa mukha ng dalaga kaya inalis nya ang maluwag na pagkakatali ng buhok nito at sinakop nya lahat bago itali muli ng mahigpit para hindi na makatakas pa ang ilang hibla ng buhok nito.
"Pagkatapos mo d'yan ay ihahatid na kita sa inyo?" imbes na sabihin nya lang ay para lumalabas na naging patanong pa ang sinabi nya. Kaya nga sya nagsabi na hindi uuwi sa bahay ay dahil kasama nya ang dalaga tapos ay bigla-bigla ay magsasalita sya ng ganun. Nasaan ang utak nya?
Natigilan ito sa pagsubo at lumingon sa kanya habang puno ang bibig nito. Umiling ito kaya napatango sya. Nagpatuloy muli ito sa pagkain kaya napangiti sya dahil makakasama nya pa ng ganito ang dalaga na para silang mag-asawa.
Pagkatapos nitong kumain ay tumayo na ito kaya niligpit nya ang pinagkainan nito.
"Samuel, dito muna ako matutulog, ayoko pa munang umuwi sa bahay."
"Oo ba." aniya at tumingin rito. Naupo ito sa kama at nag-indian seat. Lumapit sya rito at naupo rin paharap rito, "Ano ba talaga ang nangyari?"
Sumandal ang likod nito sa pader at inunat ang mga binti bago ipatong sa hita nya kaya hinawakan nya.
"Paano, parang wala ng pakialam sa akin sila Daddy simula ng dumating si Nesya na 'yun. Tapos malalaman ko na pumasok pa sa kwarto si Nesya para daw gisingin ako. Hindi naman ata ako ginising ng babaeng iyon, dahil hindi naman ako nagising. Tapos si Daddy ay nagalit agad porket nasigawan ko si Nesya at binanggit ko muli ang topic sa dress ko na sinuot nya."
Tila nagseselos ang dalaga sa binibigay na atensyon sa inampon ng parents nito. Inis na inis ito sa pagku-kwento at kita nya na parang maiiyak muli ito. Napahinga sya ng malalim at umusog palapit rito.
"Candy, wag mong hayaan na dahil sa ibang tao ay masisira ang relasyon nyo ng parents mo. Hindi ka naman nila ipagpapalit dahil lamang may bago silang inampon. Siguro ay naaawa lang sila doon sa babae kaya ganun ang binibigay nilang atensyon para maging komportable ito. Tsaka wag kang mabahala, dahil alam kong mas higit ang pagmamahal sa'yo ng parents mo dahil ikaw ang tunay na anak. Kaya wag kang magpapatanghay sa selos dahil baka makasama lamang iyon. Naiintindihan mo ako?"
Napanguso ito at tumango kaya napangiti sya. Nilapit nya ang mukha rito at hinalikan nya saglit.
"Role play ulit?" pilyong tanong nya kaya napangiwi sya ng pisilin nito ang magkabila nyang pisngi..
"Ang hilig mo na."
"Ang sarap mo kasi." aniya at hinuli ang bewang nito.
Napangiti nalang sila sa isa't-isa at masaya sa mundong pakiramdam nila ay sila lang dalawa ay sapat na.
Sinunod ni Catherine ang lahat ng payo sa kanya ng binata at wala na lamang syang imik habang kaharap ang magulang. Napakatahimik ng hapagkainan habang sabay-sabay sila. Sumubo lang sya ng kaunti at tumayo na sya kaya agad na napatingin sa kanya lahat.
"Tapos na po ako, papasok na po ako."
Umalis sya sa upuan at maglalakad na sana sya ng mapatigil sya sa sinabi ng magulang.
"Anak, pasensya na sa nasabi ko sa'yo nung nakaraan. Gusto ko lamang na magkasundo kayo ni Nesya para naman masaya ang pamilya na ito."
"Yun lang po ba, Dad?" tumingin sya rito at nakita nya na napahinga ito ng malalim.
"Papasok rin si Nesya sa school mo. Nabigyan sya ng special exam at naipasa naman nya kaya pareho na kayo ng school year. Sabay na kayong magpunta sa school at ikaw na ang mag-alalay sa kanya dahil nangangapa pa sya."
Lalong bumigat ang loob nya at walang magawa kundi ang maging mabuting anak kahit pa labag sa loob nya ang lahat ng nangyayari.
Nauna syang lumabas ng bahay habang hinihintay ang pagdating ng binata. Naramdaman nya na may tumabi sa kanya sa pagtayo sa harap ng pinto at kahit hindi nya lingunin ay ramdam nya ang badvibes sa taong iyon.
"Mabuti naman at hindi ka tumututol sa pagpapaaral sa akin ng parents mo. Sobrang selfish mo na kapag ginawa mo pa iyon."
"Hindi ko na gagawin iyon dahil nakakahiya lang na gawin iyon.. Nakakaawa ka kasi kaya ka inampon. Kaya hindi na ako tutol dahil baka ngayon ka lang makakaexperience nito."
Nakita nya ang masama nitong tingin sa kanya pero hindi na nya pinansin at nauna syang maglakad palapit sa gate ng makita ang kotse ni Samuel na huminto sa tapat ng bahay nila. Napangiti sya ng bumaba ito at agad na umikot sa kabilang side sa front seat side para pagbuksan sya ng pinto. Nang makalabas sya ng gate ay lumapit sya rito. Inalalayan sya nito kaya nagpasalamat sya at umayos ng upo.
Napatingin sya kay Nesya na lumapit din. Sinara na ni Samuel ang pinto kaya hindi nya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Pero tila alam na nya, dahil excited pa na sumakay si Nesya sa backseat kaya napakuyom sya ng kamay.
"Buti pa sya mabait, hindi katulad ng iba d'yan." pagpaparinig nito pero hindi nya pinatulan.
Sumakay na rin si Samuel at napatingin pa sa kanilang dalawa bago apakan ang gas para makaalis na sila sa harap ng bahay.
"Ah Samuel, pwede mo ba akong samahan na hanapin ang room ko? Ayaw kasi akong samahan ni Stepsister."
Tumingin sya kay Samuel na bumaling sa kanya. Tinignan nya ito at sinenyasan na wag papayag.
"Sorry, ihahatid ko kasi si Catherine sa room nya. May tour guide naman sa school kaya pwede ka doon magpasama."
Mabuti nalang at kabisado sya ng binata. Dahil oras na pumayag ito ay hindi nya talaga papansinin ito.
"Bakit sasamahan mo pa si Catherine? 'Di ba matagal na rin naman sya sa school nyo? Kaya bakit kailangan pa syang ihatid? Ano kayo magkasintahan?"
Bigla ay nakadama sya ng kaba sa huling binigkas ni Nesya. Pero hindi nya pinahalata at tinignan nya ito.
"Bakit close ba kayo ni Samuel para samahan ka nya?"
Hindi ito umimik at umirap ito tila tinamaan sa sinabi nya.
"Catherine, tama na... Miss, I'm sorry pero hindi talaga kita masasamahan."
Umayos sya ng upo at humalukipkip na tumingin sa bintana. Nababanas na sya kay aga-aga. Wala talagang mangyayari kapag kasama nya si Nesya. Nakakapang-init lang ng ulo ang kaplastikan at ang pagiging pakialamera nito.
Pagdating sa school ay maayos na pinark ni Samuel ang kotse. Nauna itong bumaba kaya inalis nya ang seatbelt.
"Alam mo, masyadong close kayo para maging pinsan. I smell something fishy."
Napakuyom sya ng kamay sa sinabi ni Nesya na may kunwari pang kuryosidad sa boses nito pero para namang may panghihinala rin sa boses nito.
"Wala ka kasing matatawag na kaclose dahil sa masama mong ugali." nilingon nya ito na ngayon ay nakangisi pero hilaw naman na halatang napikon sa sinabi nya, "Sa hilatsa mo palang alam ko na may tinatago kang baho. At hindi ako titigil hangga't hindi ka napapaalis sa pamilya namin. Tandaan mo 'yan."
Naramdaman nya ang pagbukas ng pinto sa side nya kaya bumaling sya doon. Bumaba sya ng pagbuksan sya ng pinto ni Samuel. Ambang pagbubuksan nito ng pinto si Nesya ay pinigil nya ito sa braso kaya napatingin ito.
"Wag." tinignan nya ito na may pagbabanta kaya napangiti ito at napailing na pinagbuksan si Nesya.
"Pag hindi ko sya pinagbuksan, hindi sya bababa ng kotse ko. Paano ko masasarado ang kotse ko?"
Binitawan nya ang braso nito at inirapan nya ang binata bago sya naglakad para iwanan ito.
"Catherine, wait!"
Hindi nya pinansin ito dahil naiinis talaga sya dahil bakit tinatrato ng binata ng maayos ang babaeng iyon. Hindi ba nito alam na nakakainis ang babaeng iyon.
"Candy, bakit mo naman ako iniwan."
Agad na nakahabol sa kanya ang binata at inakbayan sya kaya napatingin sya sa paligid. Inalis nya ang braso nito pero binalik din naman nito.
"Nakakainis ka kasi! Sabi ko wag mong pagbuksan, at bakit ba trinatrato mo pa ng mabuti ang babaeng iyon? Hindi mo ba alam na kapag kaming dalawa lang ay lumalabas ang sungay no'n."
"Candy, hindi naman tama na hindi ko tratuhin ng gano'n ang bago mong kapatid. Hindi naman tama na pakitaan ko iyon ng masama."
Huminto sya sa paglalakad at inalis nya ang braso nito. Hinarap nya ito at tinignan ng nanainis na tingin.
"So, parang sinasabi mo na masama ako dahil ganun ang pagtrato ko sa kanya? Mas kinakampihan mo pa sya kesa sa akin, ganun ba?"
"Hindi sa ganun..."
"Bahala ka na nga."
Tinalikuran na nya ito at agad syang pumasok sa room nya ng hindi nya namamalayan na nakarating na pala sila. Tinatawag pa sya ng binata pero hindi na nya pinansin.
"Oh, bakit tila magkagalit kayo ni Prince Samuel?"
Nilapag nya ang bag sa table nya at napahinga sya ng malalim.
"Wala, naiinis lang ako sa kanya."
"Hala! Nagagawa mo pang mainis sa kanya? Kung ako nasa lugar mo baka palagi kong pagbigyan at pagpapasensyahan si Prince Samuel."
Inismiran nya ito dahil nananaginip na naman ito ng gising. Nakapalumbaba pa ito habang nakatingala tila may naiimagine.
"Anyways, malapit na ang birthday ni Prince Samuel.. Sana ay maimbitahan sila mommy para makapunta ako."
Natigilan sya sa biglang pagpapaalala sa kanya ni Pinky tungkol sa kaarawan ni Samuel. Muntik na nyang makalimutan. Sa darating na sabado na ang kaarawan ng binata.
Sa dami ng iniisip ay pati ang ibang bagay na dati ay madali nyang maalala ay ngayon nakakalimutan nya. Naalala nya ang ginawang bonnet, mabuti at tapos na nya iyon kaya may maibibigay na syang regalo sa binata.
Medyo nakaramdam sya ng konsensya dahil sa pinakita nya sa binata. Napahinga sya ng malalim at dapat na bumawi sya rito. Dahil palaging ito nalang ang nagbibigay sa kanya at umiintindi.
Lunch break, wala pa ang binata kaya nagtataka man ay umalis na sila ni Pinky sa room para magpunta sa cafeteria. Napansin nya na may pinagkakaguluhan sa isang room kaya nagkatinginan sila ni Pinky at lumapit doon. Sa HRM section.
"Grabe 'tong mga babae na ito, nag-aaway dahil kay Samuel. Iba talaga ang mga ford." rinig nyang bigkas ng isang lalake na natatawa sa pinanood. Nakita nya sa loob ng room si Nesya at Felicia na nagpapalitan ng sampalan.
"Oh my gosh! Wag nyong sabihin na may bago na akong karibal!" bulalas ni Pinky.
"Yeah right!" napatingin sya sa katabi ni Pinky at hindi nya namalayan na nandoon din pala si Leonie.
Napabuga sya ng hangin dahil tila hindi lang tatlo ang sasabunot sa kanya kung sakali na malaman ng mga ito ang relasyon nila ni Samuel. Kaya pala ganun kung makatingin at ngumiti ang bruhang si Nesya kay Samuel dahil talaga palang may gusto ito sa binata.
"Nung una ay nagpaparinigan lang ang dalawang iyan. Catherine, stepsister mo daw sya? Kaya sabi ng stepsister mo na iyan na mas lamang daw sya sa lahat ng girls na nagkakagusto kay Samuel dahil sya daw ay malapit sa pamilya nyo kaya nasa kanya daw ang huling halakhak." Si Leonie.
Napailing sya dahil unang araw palang ay nagpakita na nang kamalditahan si Nesya sa school. Pati sya ay ginagamit pa nito para maging famous sa school. What a famewhore!
Biglang nagbeep ang message tone nya kaya habang busy ang ilan sa panonood ng cat fight ng dalawa ay lumayo sya at binasa ang text.
Samuel:
Rooftop. Fine arts building.
Dahil sa nabasang text ng binata ay napangiti sya. Tinignan pa muna nya ang mga kaibigan at busy ang mga ito sa pinapanood kaya pasimple syang umalis upang puntahan si Samuel.
Pag-akyat nya sa rooftop ay binuksan nya ang pinto. Napasinghap pa sya sa pagkabigla ng may humatak sa kanya. Sinandal sya nito sa pader kaya napapikit sya.
"Are you still mad at me?"
Napadilat sya lalo na ng hulihin nito ang baywang nya at hapitin sya sa katawan nito habang sinisiksik sya sa pader. Bumugad sa kanya ang gwapong binata na may seryosong tingin habang nakatitig sa kanya ang mga mapang-akit nitong mga mata.
Napahinga sya ng malalim at pinalo ng mahina ang dibdib nito bago nya yakapin ang leeg nito.
"Nanggugulat ka naman...,"
"Galit ka pa ba?" ulit nitong tanong at hindi pinansin ang sinabi nya. Umiling sya kaya nakahinga ito ng maluwag at napangiti, "Good."
"Bakit mo ba ako pinapapunta rito?" tanong nya.
"Gusto lang kitang masolo at malapitan ng ganito." ani nito at pinagdikit ang noo nila.
"Ikaw talaga.. Saglit lang tayo hindi nagkita, namiss mo na agad ako."
Napangiti ito at kinantilan sya ng halik kaya napangiti sya at binalik ang binigay nitong halik. Humahaplos ang kanilang ilong habang nagpapalitan na sila ng halik sa isa't-isa. Para silang hindi nagkita ng ilang taon sa sobrang pagkasabik ng kanilang halik. Binuka nya ang bibig at malayang pumasok ang dila ng binata sa bibig nya na gumagalugad.
"Sawang-sawa na ako na palagi nalang ganito ang mangyayari sa atin, Candy. Gusto ko na malaya kitang nahahalikan kahit pa sa harap ng ibang tao." bulong nito ng mahiwalay sila ng halik habang nagpapalitan ng hingal na hininga. Kinantilan sya muli nito ng halik habang yakap-yakap na sya nito.
"Samsam, ako man ay nahihirapan pero natatakot ako. Baka mas lalong masira ang relasyon ko sa magulang ko, ayokong mangyari iyon."
"Pero paano tayo? Ayoko ng itago ito, Candy. Gusto ko ng maging ganap kitang kasintahan. Ayoko na nakatago lang, at iba ang iniisip nila na kasintahan mo."
Lumuwag ang yakap nito at medyo nilayo ang mukha. Sumandal sya sa pader habang nakokorner sya ng binata na nakapatong ang isang kamay sa pader.
"Masaya naman tayo kapag ganito, 'di ba? Pwede na siguro na ganito nalang tayo."
Marahas na humugot ito ng hangin at mariin na pinisil ang bewang nya na hawak nito. Galit ang mukha nito at napapatiim-bagang ang panga.
"Hindi, ayoko na ganito lang tayo. Gusto ko na maging official na akin ka.. Nakipagbreak ka na ba sa boyfriend mo?"
"Samsam, hindi ko kayang saktan si Bosch, at kahit na anong gawin natin ay hindi parin naman magiging maganda ang kalalabas kung---"
Napahinto sya sa pagsasalita ng makita na hawak na nito ang phone nya. Napakapa sya sa bulsa ng skirt at hindi nya namalayan na nadukot na nito ang phone nya.
"Sino ang tinatawagan mo?" kinabahan sya sa kaseryosohan nito at pilit na inagaw ang phone nya pero tinaas nito kaya hindi nya maabot.
"Sabihin mo sa lalakeng iyon na gusto mo ng makipagbreak. Kailangan na sabihin mo sa kanya na hindi mo na sya mahal kesa paasahin mo pa sya na mahal mo sya."
Binayo nya ang dibdib nito at napaiyak sya sa pinapagawa nito. Kinabahan sya lalo na ng tila nacontact na nito si Bosch.
Bosch: Hello, Catherine?
"Say it." bulong ng binata na nilapit ang labi sa tenga nya. Tinapat nito sa bibig nya ang phone nya habang nakatitig ito sa kanya ng seryoso.
"B-Bosch.."
Bosch: Oh? Bakit napatawag ka? Miss mo na ba ako?
Nakita nya ang pagtiim-bagang ni Samuel sa narinig na malambing na boses ni Bosch.
"B-Bosch, kasi...gusto kong sabihin sa'yo...na.."
"Sasabihin mo o kung ayaw mong magsalita ako."
Bosch; Sino ang kasama mo? Tsaka anong gusto mong sabihin?
"W-Wala akong kasama... B-Bosch, sorry... Pero m-maghiwalay na tayo."
Napakagat sya ng labi at napapikit bago pumatak ang luha nya ng matahimik sa kabilang linya si Bosch. Hindi nya gustong saktan ang nobyo dahil naging mabait sa kanya ito. Kailanman ay hindi sya nito trinato ng masama at ginalang sya nito bilang nobya. Pero naisip nya na tama na rin siguro na palayain nya si Bosch, at mabuti na rin na maghiwalay sila kesa lokohin nya pa ito. Mas lalo lang syang nakokonsensya kapag pinagpatuloy nya na lokohin ito.
Bosch; Ano bang sinasabi mo? Wag ka naman magbiro, Catherine.
"B-Bosch, hindi ako nagbibiro.. Gusto ko na tapusin na natin.. Patawarin mo ako kung nasaktan kita, pero ayoko na saktan pa kita kung magpapatuloy lang ito." humihikbi sya kaya napatakip sya ng bibig.
Bosch: Please don't do this to me. I love you... Sorry, dahil ba nawawalan ako ng time sa'yo? Kinausap ka ba ulit ni Dad? Pangako, magbibigay na ako ng time. Wag mo nalang pansinin si Dad.
Umiling-iling sya kahit na hindi naman nito nakikita. Mali ang iniisip nito. Kahit naman masasama ang sinasabi ng dad nito sa kanya ay wala lang iyon sa kanya. At kailanman ay hindi sya nagdemand ng time dahil sa kawalan nito ng oras sa kanya. Dahil nauunawaan nya ito lalo't pursugido ito sa negosyong pinupundar nito.
"Hindi iyon ang dahilan, Bosch..."
Bosch: Kung hindi iyon, dahil ba may mahal ka nang iba? Hindi mo na ako mahal?
Mas lalo syang napaluha at hindi makasagot dahil nakuha nito ang punto nya. Rinig nya ang paggaralgal ng boses nito kaya lalo syang nasaktan. Parang nais tuloy nyang bawiin ang sinabi nya rito.
"I-I'm sorry, Bosch."
Bosch: No, I'm sorry, Catherine. Alam ko na darating ang punto na ito na magkakagusto ka sa iba. Matanda ako para sa'yo, kaya alam kong kapag naging asawa kita ay magsasawa ka rin sa akin dahil matanda na ako tapos ikaw ay bata pa.
"B-Bosch.."
Napahagulgol sya lalo ng ibaba na nito ang tawag. Tumingin sya kay Samuel na nakatingin sa kanya.
"Mabait si Bosch kaya hindi ko sya magawang saktan. Sana ay hindi ako makarma dahil sa ginawa ko sa kanya."
Niyakap sya ng binata at kaya napasubsob sya sa dibdib nito. Umiyak sya ng umiyak dahil nasasaktan din naman sya dahil meron syang taong nasaktan dahil sa mali nyang pagmamahal sa pinsan.
Sa kabilang banda, hindi alam ng dalawa na merong mga mata na nakakita sa kanila. Mula sa kanilang paghahalikan hanggang sa pagyayakapan nila.
"Magandang pang regalo ito. Tiyak na isang malaking balita ito sa buong BF Island, lalo na sa pamilyang ford."