"Nesya, ito na ang room mo sa tabi ng room ni Catherine. Nagustuhan mo ba?"
Nang dalhin si Nesya ng mag-asawang ford sa napakalaking tila mansyong bahay ay sobrang natuwa ang dalaga dahil napakaswerte nya at mayaman ang nakaampon sa kanya. Pagpasok palang nya ng bahay ay marami na agad syang nakitang mamahaling gamit na tiyak nyang napakamahal ng presyo. Lalo pa syang natuwa dahil parang prinsesa ang kanyang kwarto.
"Oo naman po, Mommy."
Napakabait ng ginang ngunit ang panganay na anak ay tila may pagkamadamot. Tanging dress lang ay nagalit na dahil sa pagsuot nya, ibig nyang umirap sa kaartehan nito. Halata naman na hindi lang dahil sa dress kaya iyon nagagalit, dahil ayaw lang talaga nito sa ginawang pag-ampon sa kanya.
"Pasensya na kung kukunin ko muli sa'yo ang dress at flat ni Catherine."
"Ayos lang po... Pero ano po ang isusuot ko?"
"Isuot mo nalang muna ang damit na suot-suot mo sa pagpunta rito. Ibibili ka nalang namin mamaya sa mall."
Napakaganda ng dress at naibigan nya. Medyo masikip pero alam nya naman na bagay sa kanya. Siguro ay naiinsecure ang Catherine na yun dahil mas bumagay sa kanya.
"Sige po."
Ngumiti ang ginang at hinaplos ang buhok nya kaya ngumiti sya.
"Sige, mamaya ay bumaba ka na at nagpahanda ako ng pang hapunan."
Tumango sya at ngumiti, umalis na ito kaya masaya syang naupo sa kama at nahiga. Napakasarap mahiga at malaman na dito na sya titira ay sobra syang natutuwa. Sa wakas ay matitikman na nya ang maging mayaman.
Naalala nya ang napakakisig na binata na kasa-kasama ni Catherine. Natipuhan nya ang binata at gustong-gusto nya ang pagiging suplado nito. Bigla rin syang nag-iinit dahil nakakapang-init ang binata. Naaakit sya sa napakaganda nitong katawan na nais nyang matikman.
Kaya sobra-sobra ang saya nya dahil tila mag-eenjoy sya sa pag-ampon sa kanya. Tumayo sya mula sa kama at tinignan ang buong kwarto nya. Naisip nya kung ganito din kaya ang itsura ng kwarto ng panganay na anak na si Catherine. Kaya naman lumabas sya at pinuntahan ito. Dahan-dahan sya sa pagpasok at kita nya na parang prinsesa na natutulog sa mas maganda at mas malaking kama ang dalaga. Nakaramdam sya ng inggit dahil napakaganda ng kwarto ng dalaga. Mas maganda pa sa kwarto nya na akala nya ay iyon na ang pinakamaganda.
"Swerte din ng babaeng ito, walang kahirap-hirap na nakakamit ang mga pangarap ko sa buhay." bulong nya at lumapit sya sa gilid nito. Napatingin sya sa isang lamesa kung saan nakapatong rin ang lamp shade. May nakita syang liham kaya kinuha nya iyon at binasa.
Napangisi sya sa nabasa at tila galing sa binata ang liham kaya kinuha nya iyon. Tumingin sya kay Catherine at nginisihan ito.
"Dahil madilta ka kaagad sa akin, matitikman mo ang mas kamadiltahan ko, step sister."
Lihim syang humalakhak at lumabas ng kwarto nito. Baka maabutan pa sya ng kung sino at baka maging masama agad ang maging imahe nya sa mag-asawa na umampon sa kanya. Kung kailangan nyang magpakabait ay gagawin nya, wag lang bumalik muli sa ampunang pinanggalingan nya.
-
Nagising naman si Catherine ng maalimpungatan sya. Bumangon sya ng higa at napatingin sa paligid, nalaman nyang narito na pala sya sa kwarto nya. Muli ay naalala nya ang nangyari, napatulala sya at parang ayaw nyang lumabas dahil sa sama ng loob sa magulang nya.
Napatingin sya sa tiyan ng biglang kumalam ang sikmura nya. Napahawak sya rito at naalala na hindi pa nga pala sya naghahapunan. Napabuga sya ng hangin dahil wala syang choice kundi ang bumangon. Nagpalit muna sya ng damit bago lumabas ng room at bumaba. Habang palapit sya sa dinning area ay pahina ng pahina ang hakbang nya ng marinig ang masayang pagsasalo ng pamilya nya kasama ang inampong si Nesya. Hindi man lang sya nagawang gisingin upang kumain, simula ng dumating ang ampon ay parang balewala na sya.
Nilunok nya ang nararamdamang tampo at nagpatuloy sya sa paghakbang papasok sa dinning area. Natigil ang mga ito sa tawanan at napatingin sa kanya. Wala syang anumang pinakitang selos at dere-deretso sya sa paglapit sa lamesa.
"Akala namin ay busog ka pa, Anak.."
Napahinto sya sa pag-upo at napatingin sa Mom nya na nataranta sa pagtayo.
"Sino naman po ang may sabi na busog po ako?"
"Uhh, pinuntahan kita sa room mo kanina at ginising, tapos sabi mo ay busog ka pa kaya ayun..."
Tumingin sya kay Nesya na sobrang hinhin ng pagsasalita na hindi kapani-paniwala para sa kanya.
"Sino ka para pumasok sa room ko? Mang-aagaw ka na nga ng damit, pati room ko ay pinanghihimasukan mo pa!"
"Catherine!" galit na suway sa kanya ng kanyang ama at nakita nya na napayuko si Nesya na agad pinuntahan ng kanyang ina, "Bakit ka ba ganyan, Anak? Hanggang ngayon ay hindi pa ba tapos sa dress na iyon? Nakita mo bang suot pa ni Nesya?"
Napalunok sya dahil ngayon lamang sya pinagtaasan ng boses ng kanyang ama. Ibig nyang umiyak ngunit ayaw nyang maging kawawa sa harap ng babaeng iyon.
"Lumalaki kang madamot. Iniwanan ka lang namin rito ay ganyan na ang ugali mo."
Napakuyom sya ng kamay at walang ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig na umalis sya sa dinning area.
Tumaas-baba ang dibdib nya at hindi nya napigilan ang pagluha.. Kahit madilim na ay naisipan nyang lumabas ng bahay. Dahil sa kanipisang suot ay agad na nanuot sa kanyang katawan ang lamig na nagmumula sa malamig na hangin na tumatama sa kanyang balat.
Pero hindi nya ininda iyon at bagkus ay para syang tulala na naglalakad sa kalsada. Lumiko sya sa kaliwa kung saan patungo sa dalampasigan. Kita nya agad ang mga kalalakihan na tila binayaran na magkabit ng mga christmas light sa buong paligid ng dalampasigan.. Langhap na rin nya ang simoy ng hangin dahil sa papalapit na pasko.
Napahinto sya at napatingin sa malaking fine tree na inilawan. Kung may titingin sa kanyang mata ay kita ang pagkislap ng kanyang namumuong luha sa mata habang nakatingin sa napakagandang christmas light.
Dati masaya sya kapag nalalaman nya na malapit na ang pasko, pero ngayon ay parang may nagbago. Pakiramdam nya ay nag-iisa sya ngayon. Pakiramdam nya ay unti-unti syang maeechepwera sa paningin ng pamilya nya.
Nawala sa kanyang paningin ang liwanag ng may mga kamay ang tumakip sa kanyang mata. Agad nyang hinawakan ang kamay na iyon at alam na nya agad kung sino. Napahagulgol sya sa kamay na iyon na kanina pa nya gustong gawin.
Pakiramdam nya ay nakahanap sya ng kasangga. Pakiramdam nya ay meron pa palang taong nagpapahalaga sa kanya.
Inalis nito ang kamay sa mga mata nya ng hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak. Hinawakan nito ang kamay nya ng mahigpit at hinila sya. Nagpapatangay lamang sya rito habang nakatingin sya sa likod nito. Nakasuot ito ng jacket na itim habang nakajersey short at tsinelas.
Malayo-layo na sila sa mga tao at nalaman nya na patungo sila sa tree house. Pumasok sila sa pinagbabawal na lugar at hinila sya ng binata palapit sa hagdanan. Nang makaakyat sila ay agad sya nitong niyakap kaya napayakap sya rito pabalik habang umiiyak.
"Bakit ka na naman umiiyak, Candy?"
Umiling-iling sya at mas humigpit ang yakap nya rito ng maramdaman na gusto nito syang makita. Napahinga ito ng malalim at ramdam nya ang paghaplos nito sa kanyang nakataling buhok.
Umiyak sya sa dibdib nito at ginawa pa nyang pamunas ang t-shirt nito na kinahalakhak nito.
"Damn, you're so cute.." ani nito kaya napaangat sya ng tingin rito. Ngumiti ito at kahit madilim pa sa pwesto nila ay may liwanag naman ng buwan na pumapasok upang makita nya ang makisig na mukha ng binata.
Nawala ang ngiti nito at hinawakan ang kanyang mukha. Pinalis nito ang luha nya at unti-unting bumaba ang mukha nito habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. Naramdaman nya ang pagdampi ng labi nito ng makalapit ang mukha nito sa mukha nya ng tuluyan. Binuka nya ang bibig upang bigyan ito ng karapatang halikan sya. Tumagilid ang mukha nito at ang panaka-nakang halik ay lumalim habang puno ito ng pagsuyo sa paghalik. Tumugon sya at nakipagpalitan ng galaw ng labi habang napapapikit sya sa nakakaliyong halik nito na parang dinadala sya sa ibang lugar.
Sinara nito ang pintong kahoy at sinandal sya doon. Bumaba ang mga kamay nito mula sa mukha nya hanggang sa balikat nya. Pisil-pisil ang laman nya hanggang bumaba sa braso nya. Hinuli nito ang bewang nya at hinapit sya palapit sa katawan nito kaya napayakap sya sa leeg nito habang bigay na bigay sya sa mas lumalim at tumitinding halik na binibigay nito.
Narinig nya ang pag-lock ng pinto at hinila sya ng binata. Naramdaman nya ang malambot na higaan ng binata ng ihiga sya nito. Napadaing sya ng maramdaman ang mapagpalang kamay ng binata na pumipisil sa kanyang dibdib habang buong diin nitong pinaparamdam ang ibabang bahagi ng katawan nito sa kanya. Dahil sa kaiklian ng short at sa jersey nitong suot ay ramdam na ramdam nya ang nais nitong ipadama sa kanya.
Humagilap sila ng parehong hangin ng magbitaw sila sa halik. Napadilat sya at tinignan ang binata. Madilim kaya hindi nya makita ng masyado ang mukha nito pero ang mga mata nito ay naaaninag nya. Hinubad nito ang jacket at t-shirt habang nakatitig ang binata sa kanya tila ba nakikita parin ang mga mata nya. Matapos nitong mahubad ang jacket at t-shirt ay humawak ito sa dulo ng t-shirt nya kaya napaangat sya ng katawan ng hubarin nito iyon. Muli syang napahiga at napatingin rito. Hinalikan sya muli nito kaya napayakap sya muli sa leeg nito. Ang malamig na klima ay parang balewala sa kanila dahil sa nagsisimulang pag-init ng kanilang katawan.
Naramdaman nya ang paggapang ng kamay ng binata sa likod nya at binaklas nito ang kawit ng bra nya, at walang sabi-sabi na tinapon nalang ito kung saan. Napakagat sya ng labi at napasabunot sa buhok nito ng bumaba ang halik nito sa kanyang leeg habang patuloy ito sa paggiling upang idiin sa kanya ang namumukol nitong alaga. Mas napasabunot sya sa buhok nito at halos pigil ang halinghing nya ng sakupin ng mainit nitong bibig ang kanyang dibdib. Isabay pa ang mariin nitong paghawak na mas nagpabigay sa kanya ng kahibangan.
"S-Sam..."
Hindi sya mapakali at ang kulo ng sikmura ay napalitan ng kiliti sa loob dahil sa tinatamasang kaligayang hatid ng haplos at halik ng binata.
Bumaba ito sa kanyang tiyan habang patuloy ito sa paghaplos sa kanyang dibdib. Nang matapos sambahin ang kanyang balat ay binitawan nito ang kanyang dibdib at walang babala na biniba ang kanyang cotton short. Pinagdikit nya ang binti ngunit agad nitong pinaghiwalay. Napahawak sya sa kamay nito ng haplusin nito ang pwerta nya. Nilapitan sya muli ng labi nito at hinalikan habang ramdam nya ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng kanyang panty. Napapaigik sya ng maramdaman ang paghaplos ang daliri nito pero hinihibang naman sya nito sa mapang-angking halik.
Bumitaw sya ng halik at napahawak sa balikat nito ng maramdaman nya ang daliri nito na pumasok sa pweta nya. Napakagat sya sa balikat nito ng dumoble ang daliri nito kaya lalo syang nanginginig.
"Bakit ka umiiyak?"
Hindi nya alam kung anong nasa utak nito at talagang tinatanong pa sya ng ganun habang nasa ganito silang sitwasyon. Bumilis ang galaw ng daliri nito kaya napalunok sya.
"S-Si Daddy.." hindi sya makapagsalita dahil naagaw ng isip nya ang ginagawa nito, binagalan ng binata ang paggalaw nito sa daliri kaya napabuga sya ng hangin, "P-Pinagalitan ako ni Daddy dahil kay N-Nesya. N-Nagtatampo ako sa kanila dahil parang balewala ako sa kanila, uhh!"
Napakagat sya muli sa balikat ng binata ng bigla syang manginig. Hingal na hingal sya at parang nauubusan ng hangin sa sobrang sarap ng ginawa nito sa katawan nya. Lumapat muli ang katawan nya sa higaan habang humahagilap sya ng hangin. Napatingin sya sa binata na hinubad ang panty nya at hinubad rin nito ang jersey short na suot nito. Pumuwesto ito sa pagitan ng hita nya at humawak sa bewang nya. Napaidtad sya ng maramdaman nya ang pagsentro ng alaga nito sa pwerta nya. Pumantay ito sa kanya kaya napahawak sya sa braso nito at napaungol ng bigla itong pumasok.
Sinakop nito muli ng halik ang labi nya kaya napatugon sya habang marahan itong nagsisimulang gumalaw habang puno ng diin. Hindi na katulad ng una na masakit, ngayon ay tila sanay na sya na tanggapin ang muli nilang pag-iisa ng katawan.
Parang nawala ang lahat ng inisip nya at tanging binata at kanilang ginagawa ang tumatatak sa kanya. Para sya nitong pinoprotektahan sa paghaplos nito sa buhok nya. Sa paghalik nito sa kanya. Sa klase ng pag aangkin nito na parang sya lang ang nais na makatalik. Huminto ito at hinila ang kanyang baywang kaya napahawak sya sa balikat nito at umayos ng upo sa hita nito. Bumitaw sila ng halik at pinagdikit ang kanilang noo.
"Poprotektahan kita kahit na anong mangyari. Hindi kita pababayaan hangga't nabubuhay ako. Wala ni isang tao ang maaaring magpaiyak sa'yo."
Ramdam na ramdam nya ang binitawan nitong salita. Nangilid ang luha nya habang tinitignan ang mata nito. Kinantilan sya nito ng halik habang nakatitig ito sa kanya. Mahigpit sya nitong niyakap at sabay nilang ginagalaw ang katawan.
"Samuel, wag kang aalis sa tabi ko, ha? Natatakot ako na walang matira sa akin."
"Kailanman ay hindi ako aalis, Candy. At kung mawala man sa atin ang lahat ay asahan mong hindi ako mawawala sa'yo. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sa'yo, Catherine Andy Ford."
Napangiti sya sa sinabi nito at humalik sya sa labi nito. Tumawa ito at sinunggaban ang labi nya. Natatawa sila na nagpapalitan ng panaka-nakang halik. Muli silang nahiga at sabik nitong nilamon ng buo ang labi nya habang bumibilis na ang galaw nito.
Masaya sya at panatag dahil kahit anong mangyari ay kasama nya ang binata. Kontento na sya doon, at nawala na ang bigat na nararamdamang sakit, kundi bigat na lamang ng hininga at katawan nito ang kanyang nararamdaman.
Muli ay nagpaangkin sya sa binata. Pareho nilang narating ang sarap habang wala parin tigil sa kanilang palitan ng halik. Natapos lang sila ng pareho ng humupa ang init nararamdaman. Magkayakap na nagtabi sa higaan habang napapangiti na nakatitigan.
"Candy ko, marunong ka bang magluto."
"Hindi." nakangiti nyang tugon habang gumagapang ang daliri nya sa mukha nito habang magkaharap sila at halos wala ng space sa pagitan nila. Nakayakap sa kanya ang binata habang sakop ng binti nito ang mga binti nya
"Mabuti nalang at marunong ako. Magugutom tayo dahil hindi marunong magluto ang misis ko."
Natawa sya at piningot ang ilong nito, "Mabuti naman kung ganun. Dapat ay paglilingkuran mo ako, Mister ko."
"Sympre naman, Misis ko. Paglilingkuran kita kahit sa ano mang bagay." pilyong sabi nito at kinantilan sya ng halik kaya napahagikgik sya, "Bakit humahagikhik ang Misis ko? Gusto mo pa ba?" tanong nito at muli syang hinalikan.
"Hindi no, wala.." akila nya kaya natawa ito.
"Hmmm, ah! Dapat ipaglalaba mo naman ako ng isusuot ko kapag pumapasok na ako sa work. At dapat na inaalagaan mo rin ako dahil ako ang kumakayod."
Nahiga ito at dinala sya padapa sa katawan nito kaya ang n*****s nito ang napadiskitahan nya.
"Okay. Aasikasuhin kita tapos aalagaan. Basta wag ka lang mambabae, ha?"
"Bakit naman ako mambabae?" ngumiti ito at pinisil ang ilong nya, "Kung ang kaharap kong napakagandang babae ay sobra kong minamahal? Wala akong nakikita kundi ang napakaganda kong asawa."
Napangiti sya dahil kahit para silang ewan ay inaamin nya na kinikilig sya dahil alam nyang kahit plano palang ay alam nyang tutuparin iyon ng binata.
"Mabuti naman kung ganun, Mister. Dahil gusto ko na ako lang ang babae mo, maliwanag ba?"
Inangat nito ang ulo at hinalikan sya kaya napangiti sya.
"Maliwanag pa sa buwan, Misis ko."
Pareho silang natawa at hiniga nya ang ulo sa dibdib nito. Niyakap nito ang ulo nya kaya napapikit sya.
Napapangiti naman si Samuel habang hinahaplos ang buhok ng dalaga na nakatulog na sa kanyang katawan.
"Tsss.. Pinapangiti mo talaga ako, Candy ko."
Hindi nya mapigilan ang saya na muli nyang naangkin ang dalaga at ngayon ay kasama nya muli ito na walang ibang humahadlang sa kanila. Pero nang maalala ang pag-iyak nito ay parang sumasama ang loob nya. Ayaw nyang nakikitang umiiyak ang dalaga. Ni minsan ay ayaw nyang pinapaiyak ito, kaya walang ibang may karapatan para paiyakin ang dalaga.
Maingat na hiniga nya ito sa tabi nya at bumangon sya. Binuhay nya ang ilaw na hindi na nya nagawang buhayin dahil nauna pang mabuhay ang alaga nya. Natawa sya sa naiisip at pinulot ang kanilang mga nakahagis na pinaghubarang damit. Sinuot nya ang mga saplot nya bago lumapit sa dalaga na mahimbing na natutulog. Isa-isa at maingat nyang sinuotan ito ng saplot dahil baka lamigin ito. Nang ayos na ay tumayo sya at kinuha ang kumot at unan na nakatabi. Nilagyan nya ng unan ang ulo nito at kinumutan nya ito.
Natigilan sya ng kumulo ang tiyan nito, kaya napahinga sya ng malalim dahil hinala nya ay hindi pa ito kumakain. Kaya lumabas sya ng tree house at iniwanan muna ang dalaga para umuwi sa bahay.
"Oh, saan ka ba nagpunta, Samuel?" tanong ng Mommy nya na paakyat na sana sa taas.
"Mom, d'yan lang po. At oo nga po pala, hindi po ako rito matutulog."
Hindi na nya hinintay na magtanong ito at dumeretso na sya sa kusina. Kumuha sya ng bottled water at hinintay na umalis ang kasambahay. Nang wala ng tao sa kusina ay kumuha sya ng paper bag. Lahat ng kakalagay palang na pagkain sa ref na nakalagay sa disposable plastic container ay kinuha nya dahil laman no'n ay yung ulam kinain nila kanina. Nagsandok din sya ng kanin at lahat nilagay sa paper bag. Kumuha rin sya ng tatlong bottled water at chips para kung sakali na magustuhan ng dalaga.
Nang ayos na ay napangiti sya na dumaan sa likod ng kusina. Pasipol-sipol sya na nilakad muli ang dalampasigan.
"Samuel, it's that you?"
Napatigil sya sa paglalakad at nakita nya si Felicia. May mga kasama ito na tila barkada nito at tila mga nagkatuwaang mamasyal sa dalampasigan. Lumapit ito sa kanya pwera sa barkada nito.
"Ikaw nga! Namamasyal ka rin ba?"
"Hindi, may kailangan kasi akong puntahan."
Ngumiti ito at napahawi ng buhok bago iipit sa tenga nito.
"Hmm, salamat nga pala nung tinulungan mo ako."
Hindi nya alam kung bakit hindi parin nito makalimutan ang ginawa nyang pagtulong, hindi naman big deal sa kanya. Umakyat kasi ito ng stage at napansin nya na tila nahihilo ito, nahulog ito sa stage kaya nagkasugat ito sa tuhod at siko.
"Wala na iyon.. Ahh, kailangan--" Natigil sya sa pagsasalita ng humawak ito bigla sa braso nya.
"Pwede ba kitang mainvite na maglunch bukas? Pambawi lang. Pakiramdam ko kasi ay kulang ang pasasalamat ko sa'yo." ngumiti ito habang nakatitig sa kanya. Nakaramdam sya ng matalim na tingin kaya napatingin sya agad sa malayong dalampasigan at agad na hinawi nya ang kamay ni Felicia.
Napalunok sya ng irapan at mabilis na tumalikod si Catherine kaya sa taranta nya ay dali-dali syang nagpaalam kay Felicia.
"Samuel!"
Rinig pa nya ang pagtawag ni Felicia pero hindi na nya pinansin ito dahil mas kailangan nyang magpaliwanag agad sa dalagang si Catherine na tila mali ang naiisip.