-------- ***Zariyah’s POV*** - Dahil siguro sa pagod kaya nakatulog si Aldrine sa biyahe habang inihatid kami ni Aiden. Tahimik ang loob ng sasakyan, pareho kaming hindi nagsasalita ni Aiden at mas gusto ko ito, baka mag- away lang kami kung mag- usap pa kaming dalawa. Habang nakatingin ako sa tulog na mukha ng anak ko, hindi ko maiwasang mapangiti nang marahan. Nakasandal siya sa dibdib ko, mahigpit ang kapit ng maliit niyang kamay sa laylayan ng damit ko—parang ayaw akong pakawalan kahit sa panaginip. Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, naramdaman kong bumagal na ang takbo ng sasakyan. Ilang sandali pa, tuluyan na itong huminto sa tapat ng gate ng apartment. “Ako na ang bahala kay Aldrine. Makakaalis ka na. Huwag mo na kaming ihatid sa loob,” mahinahon kong sabi kay Aiden haban

