GILMARIE POV Maaga akong gumising para pumasok na naman sa opisina. Mabilisan din ang pag-aasikaso ko habang kausap si Clarisse sa cellphone at tinatanong ang sched ko sa kaniya. She’s no longer my assistant but she still acts like one. Kung tutuusin ay mas gusto pa raw niya ang pagiging assistant ko kesa sa pagiging head ng Strategy and Promotion Department. Dahil na rin sa mga nangyari ay mas pinili ni Daddy na sa Saavedra mansyon na kami manatili pareho ni Heather, maging si Rosh ay welcome na rin sa bahay. But most of the time ay sa bahay ni mommy nagistay si Rosh. May mga oras din na roon ako natutulog. Ang bahay ko naman ay matagal ko na ring ibinenta dahil wala na ring magmimaintain doon. Nang makababa ako ng kwarto ko ay nasa kusina na si Heather. May mga papel itong binabasa na

