GILMARIE POV Alphrase is what?! Agad kong tinawagan si Ariella but she’s not picking up her phone. Sinubukan ko ulit at out of coverage na siya. Natigilan naman ako sa ginagawa nang marinig ko ang sunod-sunod na beep mula sa life support ni Daddy. Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na nangyari basta ang alam ko lang ay hinila kami palabas ng suite ni Daddy at inasikaso siya ng mga doktor na tumitingin sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ilang minuto kaming nagtagal sa labas, naghihintay sa kung anong sasabihin ng doktor sa amin. At the back of my mind, inaalala ko pa rin ang sinabi ni Ariella. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng sama ng loob dahil sa lahat-lahat ng pinagdaanan namin ni Alphrase…bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya ng bansa? Kailan niya inayos ang mga kai

