GILMARIE POV Just like what Heather told me, everything escalated so fast. Inireport ko na rin sa mga pulis ang nangyari and they’re doing the best they can do para mahanap agad si tita Aurora. Heather’s still in shock kaya tinawagan ko muna si Rosh para samahan siya dahil tinawagan ako ng company lawyer namin para sabihin na kailangan kong magtake over sa kompanya pansamantala habang unconscious si Daddy, base na rin sa nakasaad sa will ni Daddy at bilang nakatatandang anak nito. For extra security, I hired someone to look after Rosh and Heather. May mga police rin na naiwan sa hospital para magbantay dahil baka bumalik si tita Aurora, lalo pa’t nasa amin pa rin si Heather na talagang pakay niya. I composed myself nang makapasok ako sa kompanya. Agad din akong nagpatawag ng meeting to

