GILMARIE POV Pagod na pagod ako nang makauwi sa mansyon. Nadatnan ko naman si Heather na nasa dining table pa at may mga panibagong tambak na naman ng papel na inaaral. Inihagis ko naman ang bag ko sa kung saan at saka naupo sa harap niya. Agad naman akong tinanong ni manang sa kung ano ang gusto kong kainin but I told her na bukas na ako kakain dahil nakapagsandwich naman ako sa opisina bago ako umuwi. “Si Dad?” tanong ko kay Heather. “Nasa taas na, nagpapahinga,” aniya nang hindi inaalis sa mga papel na hawak niya ang tingin. Sa ganitong simpleng aksyon niya ay alam ko na agad kung anong mayroon. She went to her mother, that’s for sure. Simula nang tuluyan nang mawala sa sarili niya si tita Aurora at mapunta ito sa mental ay nag-iiba rin ang pakikitungo ni Heather sa lahat pagkat

