Chapter 12

2282 Words

Tahimik sa byahe ang dalawa hanggang makarating sila sa mansion ng mga Estrella. Tuwang tuwang sinalubong sila ng mag asawa at dumiretso agad sa hapag at dun na itinuloy ang kwentuhan nila. Normal lang din naman ang pakikitungo ng dalawa sa isat isa na parang di sila nagtalo kanina sa daan. Natapos din ang kainan nila na puro parin kwentuhan tungkol sa business at kung ano pa. "Hija, kamusta pala ang Daddy mo? Matagal ng di pa siya ulit umuuwi ah.." Tanong ni Donya Amanda sa apo. "Okay naman siya Lola, busy po as usual. Pero kapag naman may oras tumatawag po siya kay Mommy at sakin. Alam niyo naman ang trabaho niya.." Paliwanag ni Jane habang inaabot ang dala dala ng maid na inutos nito kanina. Si Coleen naman ay nakangiting nakikinig lang sa mga ito habang masarap na nagkkwentuhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD