JANE'S POV Nandito ako ngayon sa Batangas kasama ang babaeng mahal ko at Kuya niya. Di dapat ako talaga sasama kasi di naman ako interesado sa mga ganitong bagay pero nung malaman ko kasama siya bigla akong pumayag sa Kuya niya. Kitang kita ko sa mukha ni Coleen ang inis kapag nagkkwentuhan kami ng Kuya niya. Di ko alam kung selos ba yun o baka naman talagang ganito lang siya kapag wala sa mood. Humiwalay pa nga siya kanina ng kotse, kaming tatlo sana ang magkakasama sa kotse pero sabi niya dun na siya sasabay sa kotse ni Trishia dahil may pag uusapan pa daw sila, kaya dito sumakay si Cherry na secretary ni Trishia kapalit niya. Medyo nainis pa ako kanina kasi pakiramdam ko ayaw niya talagang makasama ako pero buti nalang makulit si Kuya Vincent at kwento ng kwento kaya nalibang ako buo

