Masuyong tinitigan ni Jane ang tulog na tulog na si Coleen habang nakayakap sa kanya. Naalimpungatan niya kasi ang pagkilos nito lalo na ang pagpulupot ng mga kamay nito sa bewang niya. Himbing na himbing ito sa pagtulog kaya naman malaya si Jane na titigan ang maamong mukha nito. Di siya nakapagpigil kaya paulit ulit niya itong hinalikan ng mabilis sa labi, dahilan para mapamulat ng bahagya ang mga mata nito. "I love you babe.. Good morning.." At muli itong hinalikan ni Jane. "Jane..." Basag ang boses na tawag nito habang nanananitiling nakapikit ulit ito. "Hmmmmm? Napagod ba ang girlfriend ko?" Nakangiti namang tunghay ni Jane sa dalaga habang hinahawi ang buhok nito. Dahan dahang iminulat ni Coleen ang mga mata niya at sinalubong ang mga titig ng dalaga sa kanya. "J.. Jane... Wh

