Pagkadating ng dalawa ay agad naman dinala ni Coleen si Jane sa clinic ng cruise ship para mabigyan agad ito ng gamot. Halos mamaga na kase ang leeg at balat nito sa pamamantal. Kaya naman nag alala masyado si Coleen dito. Pinabantayan niya nalang ito sa nurse ng barko at sinabi sitong wag paaalisin hanggat si pa siya nagiging okay. "Miss Jane wala po ang Daddy ninyo. Pinabibigay na lamang po niya ito sa inyo once daw na nakabalik na kayo ni Chief Engineer Castro." Nakangiting sabi ni Kylie, ang nurse ng cruise ship na siyang binilinan ni Coleen para bantayan siya. Inabot niya sa dalaga ang sulat bago tuluyan bumalik sa table nito. Ngumiti nalang din si Jane na tinanggap at binasa ang sulat na pinabibigay ng Daddy niya. Napakunot nalang ang noo niya ng malaman na bukas pa daw makakabal

