JANE'S POV Andito kami ngayon ni Coleen sa isang kilalang mall, ayaw niya sanang dito magpunta dahil medyo malayo ito at dulo na ng port area pero wala na rin siyang nagawa dahil kinulit ko siya ng kinulit at sinabing di pa ako nakakapunta dito. Kaya naman napapayag ko na siyang magpunta dito. Seryoso siya buong byahe namin at halos di ako kinakausap kahit lahat na ata ng kwento nasabi ko na sa kanya. Ngayon naman iniwan niya ako dito sa kilalang boutique habang namimili ako ng damit, tatawag lang daw muna siya sa barko dahil may nakalimutan lang daw siyang ibilin. "Hi Miss.." Napalingon ako sa dalawang babaeng malapit din sa kinatatayuan ko habang namimili ng jeans. The one looked like American and the tall sophisticated look girl looks like a magazine model. Maganda kasi ito at par

