Desperate
Mickaella Vegara
"Hindi ko na talaga magagawan ng paraan to. Kalat na kalat na yung balita na kayo na ni DJ, Ella"
Napasapo ako sa mukha ko.
Ano nang gagawin ko? Bakit ba kasi lumabas yang balitang yan at kumalat pa sa maraming tao?! Ang tagal-tagal na nung lumabas kami sa mall na magkasama ni Jaydee ha?!
"Wag kayong magpa-apekto lalo na kung di naman totoo" seryosong sabi ni Jaydee sabay akyat sa taas.
Palibhasa sanay na sya sa isyu ih!
Narinig ko naman ang mahinang pagmura ni Reinz sabay akyat nya sa taas. Hayst. Siguro tatambay na naman yon sa rooftop.
"Ah. Ella. Sundan ko lang si Reinz ha"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Jamila pero tinanguan ko na lang sya.
***•••***
Jamila Lopez
Agad akong umakyat sa rooftop at sinundan si Reinz. Yah I admit. Crush ko si Reinz. Lalo na nung fan nya pa lang ako. Pero ngayon hindi nya na lang ako isang taga hanga. Tinuturing ko na rin syang matalik na kaibigan. Sa loob ng isang linggo na nakasama ko sya. Lalo ko syang nakikilala. Lalo akong napapalapit sa kanya.
But uunahan ko na kayo ha. Wala akong gusto sa kanya, yung romantic love? Swear. Wala talaga. Cause actually may manliligaw ako and I'm planning na sagutin na sya this week. Shems! Kinikilig ako!
Napatingin ako sa harapan ko kung san nakapwesto si Reinz.
Sa sobrang lapit ko sa kanya ramdam ko kung gano nya ka mahal ang kaibigan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" diko pinansin ang tanong nya sa halip, tinabihan ko na lang sya sa bench na inu-upuan nya.
Tumingala ako tsaka ako pumikit. Pinakiramdaman ko ang hangin na dumadampi sa mukha ko. "Okay ka lang? Bad mood ka ata?" Nanatili syang tahimik at parang walang pake sa mga pinagsasabe ko. Sarap batukan "Gusto mo sya?" no comment ang galing "Sabi ko nga oo. Buti sana kung natuturuan ang puso. Edi sana walang nagmumukmok na parang bata gaya mo ngayon dito"
Huminga sya ng malalim.
"I hate it! Ayokong ipag-pilitan ang sarili ko sakanya. Dahil ayoko din naman syang nakikitang nahihirapan. Pero anong magagawa ko?! I'm deeply in love with her! Bat kasi di na lang ako?! Anong mali sakin?!" sabi nya habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha nya.
Omygosh! So seryoso nga sya sa beshyprend ko?
"You know what? I think you need to help youself first" I said.
"While I was falling for her, she's falling for someone else" he said tsaka sya napayuko.
"Alam mo kasi choice mo yan ih. Choice mong masaktan. Pinili mo sya eh" sagot ko sa kanya.
Napangiti sya ng mapait sakin sabay sabing "I hate waiting but if waiting means being able to be with her, I'll wait for as long as forever to be with her."
Naysss. Nag ready ng qoutes.
"Bat ba ganyan ka? Sinasaktan mo lang yung sarili mo. Kahit mag hintay ka. Tingin mo magbabago yung nararamdaman nya kay Jaydee? Wag kang maging sellfish. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Pati narin si Ella. Sana naman maintindihan mo sya. Pero kung gustong-gusto mo nga talaga sya to the point na di mo sya kayang mawala. Ang payo ko lang sayo bilang kaibigan mo. Just fix yourself first. Malay mo magbago yung ihip ng hangin. And if dumating na yung araw na okay ka na, ako pa yung tutulong sayo para maging kayo ni Ella. Promise." napahinga ako ng malalim.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Gusto ko sya. Gustong-gusto. I hate this feeling pero di ko maiwasang makaramdam ng galit kay Jaydee. I feel like inaagaw na nya lahat. Lahat nasa kanya na. Ayokong pati si Ella na unang babaeng minahal ko mapupunta rin sa kanya" seryosong sabi nya.
Napalunok ako. Haysst.
"Kaya nga fix yourself first. Ipakita mong mas deserving ka. Gawin mo yung best mo para makuha sya. But please, respect the decision of my bestfriend if that day ay dumating na. Vote din naman kasi ako sayo for my bestfriend kasi gentleman ka" pagpapagaan ko nang loob nya.
"Please help me. I really need her. I want her. Maybe mukha na kong baliw sa paningin mo but this is my feeling right now. Sabihin mo naman sa kanya na bigyan ako ng chance oh. Papatunayan ko lang yung sarili ko sa kanya" swear awang-awa na ko sakanya.
Napabuga ako sa hangin.
"I will try my best. But please, learn to love yourself first. Hmm. Don't worry. Ako nang bahala sa kaibigan ko. Just do what I said earlier. Fix yourself first"
"And please tell her that I love her. Hindi ako hihinto. Please do your best para pagbigyan nya ko"
Isa lang ang masasabi ko. Desperado na sya.
"I will"
***•••***
Mikaella Vergara
Naka-bihis ako ng uniform, pang-pasok malamang.
Siguro magko-commute na lang muna ako. Hindi pa ata kayang makipag-usap sakin ni Reinz.
Nage-gets ko sya. At tingin ko mas okay na muna to. Na wag na muna kaming mag-uusap masyado, para na rin sa kanya.
"Sumakay ka na. Ako ang maghahatid sayo ngayon Ella" napatingin ako sa biglaang sumulpot. Si Jaydee.
"Anong ginagawa mo?! Diba may issue tungkol satin?! I think mas lalala pa palo yon kung lagi tayong mag-didikit" seryosong sabi ko sa kanya.
Tinitigan nya ko ng masama.
"Like what I said. Wag kang magpapa-apekto kung di naman totoo. You look so defensive Ella. Di naman tayo diba?" napalunok ako sa mga sinabi nya at the same time nasaktan.
Oo nga pala, hindi nga pala kami.
"Sakay na. May sasabihin pa ko sayo"
***•••***
Palinga-linga ako. Ewan ko ba. Hindi ako mapakali.
"A-ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Ako ang magsusundo sayo mamaya" napatingin ako sa kanya.
"Ano?! Bakit?! Ayos lang naman sakin kung mag bus nalang ako"
"Anong oras yung uwian mo?" seryosong tanong nya habang diretso pa rin ang tingin sa minamaneho nya.
"Huh? 3 o'clock Teka! Wag na nga!"
"Antayin mo ko"
Napabagsak balikat nalang ako. Hayyyst may magagawa pa ba ako?
***•••***
Pagbaba ko nang sasakyan ramdam ko na agad ang mabigat na atmosphere sa paligid.
Halos lahat ng estudyante nakatingin sakin habang nagbubulong bulungan. Hindi ko ma-figure out kung positive ba ang mga tingin nila sakin o negative. Yung tipong tinatanggalan na nila ako ng kuko sa isip nila.
Yak! Ang harsh naman non!
"Uy. Lalim ng iniisip natin ha" biglang sulpot ni Zhyra.
"Why? Is this because of that freakin, crazy, ugly students na pinagbubulungan ka?" tanong naman ni Mae.
"Don't give them so much attention. Hindi nila deserve ang atensyon mo" sabi naman ni Cassy na halata ang pagka-irita.
"Yah! Ang mahalaga mas maganda ka sa kanila" sabi naman ni Jamila sabay hawak sa buhok ko.
"Sira! By the way, si Rusty?" tanong ko kay Cassy.
"May laban sila ng team nya ngayon" sagot naman ni Cassy.
"Nood tayo!" sabi naman ni Zhyra.
"May pasok" sabay-sabay naming sagot
"I mean mamayang laban hihihi. Wala naman akong balak mag-cutting" dugtong nya.
Napatawa naman kami.
"Ah ngapala Micka. Napag usapan na namin to. Overnight tayo samin" biglang sabi ni Cassy.
Napakunot noo ako.
"Biglaan? Anong ganap?" takang tanong ko.
"Basta overnight tayo ha?" singit ni Mae.
"Tsk. Oo na mga bruhas" sabi ko.
Inakbayan nalang ako ni Cassy tsaka kami sabay-sabay na naglakad paalis.