Chapter 17 (Still You)

1408 Words
Still You Mikaella Vergara Ayokong maging unfair kay Reinz pero ayoko ding makasakit na naman. Nako-konsensya ako sa ginawa ko kay Reinz. Piling ko ang sama-sama ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Umamin sakin ang dalawang magkaibigan na gusto nila ako. At ngayon. Nakayakap sakin si Ace. Diko alam kung bakit komportableng-komportable sya. Sa loob ng one week madalas nya tong gawin. Hindi ko alam kung bakit di ko sya magawang pigilan. Tuwing ginagawa nya to' hindi ko alam kung ano ba talagang nasa isip nya. Pero yung mga huling sinabi nya ang mga nagpalinaw sa mga tanong ko 'I Love You Ella' Huminga muna ako ng malalim tsaka ako humiwalay sa kanya. "A-ah e-eh hehe. P-punta na ko don ha?" turo ko sa living room. Hindi ko alam kung bakit di ko magawang masabi sakanya yung mga sinabi ko kay Reinz. Siguro dahil ayoko nang maka-sakit pa. Tumalikod na ko sa kanya ng bigla syang magsalita. "You don't meet people by accident. There's always a reason" Napahinto ako at napalingon sa kanya. Alam kong na-kwento ko na sa kanya yung admirer kong yon. Pero diko alam kung bakit iba yung dating sakin nung sya na yung nagsabi ng mga salitang yon. Unti-unti syang lumapit sakin sabay hawak nya sa mga kamay ko. "Once upon a time something happened to me. It was the sweetest thing that could ever be. It was a fantasy. A dream come true. It was the day that I met you" "A-Ace" "Yes. This is me. Your admirer. Your light" A-admirer? Light?! Napatakip ako sa bibig ko. That code name. Every letter na pinapadala nya. Sa baba nakalagay ang code name na Light. Pano nya nalaman yon?! So... "I-ikaw nga" sabay yakap ko sa kanya. Wah! Di ko alam kung bakit pero sobrang saya ko talaga. ***•••*** "All this years ginugol ko lahat ng oras ko para mahanap ka lang. Pero hindi ko alam na ikaw pala at sya ay iisa. Ang laki kasi ng pinagbago mo" Nandito kami ngayon sa kwarto ni Ace Ang ganda pala ng kwarto nya. Amoy na amoy yung pabango nya dito. At higit sa lahat, sobrang lambot ng black nyang kama. "Talaga? Hindi mo ko nakilala?" tanong ko ulit sa kanya. "Lalo ka kasing gumanda. Akala ko nga magkakagusto ako sayo at makakalimutan kona sya. Yun pala nagustuhan kita hindi dahil ikaw sya. Kundi dahil kung anong naramdaman ko sa kanya, naramdaman ko rin sayo ng sobra. Still you, always you" Napatahimik ako at napa isip. Ganon din kaya si Jaydee sakin? Natatakot akong umamin at sabihin sa kanya kung sino talaga ako. Kasi tingin ko. Mamahalin nya lang ako dahil ako ang babaeng tingin nya. Tingin nya mahal nya. Hayst! Ang g**o! "Ngapala. Anong trip mo at nasulat mo yung mga weird sentences don? I mean, para lang yon sa nagkakilala na dati" tanong ko sa kanya. "Dahil nagkakilala na tayo dati" Napakunot noo ako sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. Huminga ako ng malalim tsaka ako humiga sa kama ni Ace habang sya naka upo sa tabi ko at ramdam ko na pinag-mamasdan nya ko. Napatitig ako sa kisame. Bakit ba hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin si Jaydee? Bakit ba ang laki ng epekto nya sakin? Iba ang kasama ko pero sya parin ang nasa utak ko. Kamusta na kaya sya? Galit ba sya sakin kaya nya ko iniiwasan? Huminga ulit ako ng malalim bago nakinig sa sasabihin ni Ace. Kinwento nya ang buong pangyayare. Kung pano kami nagkakilala hanggang sa pagkikita namin ngayon. Shocks! Sya yung lalakeng yon?! "That's why pinangalan ko ang light sa letters kasi dumating ako nung araw na takot na takot ka sa dilim. Nagsilbi akong ilaw sa madilim na pangyayare sa buhay mo. I tried not to miss you, I tried to let go. But in the end you're always on my mind. I saw many people everyday, fans out there but you're still the one I want, Ella" Napahinga ako ng malaim. "A-Ace..." "Hindi mo kaylangang sumagot agad Ella. I'm willing to wait" "Pero kasi Ace----" "Oops! Sorry kung pumasok agad ako. Aayain ko lang sana kayo na mag-movie marathon. Andon na sila sa baba. Sunod na lang kayo" sabay alis ni Zhyra. ***•••*** "Uy girl. Umiiyak ka ba?" tanong ni Cassy kay Mae kaya lahat kami napatingin sa kanya. Habang ang boyfriend nyang si Vixen tawa lang ng tawa. "Eh kasi naman ih! Nakaka iyak yung pinapanood natin oh!" dahilan ni Mae habang pinupunasan nya yung mga luha nya. "Tsk! Ang immatured din kasi nung babae" sabi naman ni Jamila. "Eh? Bat mo naman na sabe?" takang tanong ni Zhyra. "Imagine. Bat kaylangan mong mag-let go kung alam mo namang masasaktan ka lang? Pinahirapan mo lang yung sarili mo" sagot ni Jamila. Napangiti ako. "That's why nakakahanga sya" pag-agaw ko ng atensyon sa kanila. Kaya lahat sila ay napatingin sakin. Even sila Jaydee ay sakin na nakatuon ang atensyon. "Letting go someone you love is taking your love to a new tangent. A new dimension. Letting go is setting someone free and waiting for them to boomerang back to you if they loved you truly. Letting go is taking the decision to stay back in the nest and watch your lover fly high in the sky. Letting go is having that hope in your heart that one day he will come back to you like all birds come back home. So for me, let go easily because if your love is true it will come back to you and if it doesn't come back then it was never meant to be and you could not have held it in your heart for long. That's from the book I read" mahabang paliwanag ko habang naka-ngiti. Mahabang katahimikan ang namutawi saming lahat ng matapos akong mag-salita. "What the heck! Ang galing mo sa part na yun Micka! Wala akong nasundan sa sinabi mo. Babe na gets mo ba?" nakakabinging sigaw ni Mae. "Ow. Hindi rin ih" rinig kong bulong ni Vixen kay Mae. "Omy! May nagugustuhan ka na ba Ella?" tanong naman ni Zhyra. "Kayong dalawa. Manahimik nga kayo. Di pa kayo nasanay jan kay Ella" sabi naman ni Jamila. "So wala ka pa talagang nagugustuhan?" pangungulit ni Zhyra. Habang si Cassy naman tawa lang ng tawa. "Wait hanap pa kayo nang isa pang movie. Kuha lang ako ng makakain natin tsaka maiinom narin" sabi ko. Pagtas kong sabihin yon ay tumayo na ko at pumunta sa kusina. Kumuha muna ako nang malamig na tubig sa ref. "Micka" Halos mapatalon ako sa gulat ng bumungad sakin si Rusty. "Jusko naman Rusty! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" "Oops. May bad. Sorry" "Bat ka ba nandito?" tanong ko sa kanya sabay kuha nya sakin nung pitsel na hawak ko. "Wala. Tutulong lang naman ako" pinigilan kong sabunutan sya ng makita ko ang pagnguso nya. Parang timang lang. "Hahaha fine" dumiretso naman ako sa kabilang side ko. Kumuha ako nang upuan para patungan dahil sa taas nakalagay yung stock namin ng mga chips. Tumungtong ako don pero dismayado ako dahil hindi ko talaga maabot! Ganon ba ko kaliit?! Sh*t! Yung upuan yung maliit ih! Tumingkayad pa ko para lang maabot ko. Uy! Yan na! Maaabot ko na! Ayan na--- Waaah! "Ahh!" napa-pikit ako dahil sa ina-akala kong pagbagsak ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa matatamo kong sakit ng pagtama ko sana sa sahig pero wala. "Are you okay?" napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Rusty Pero wrong move. Sh*t! Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isat-isa! "Ahh oo. Salamat. Pakuha na lang ng mga chips dyan. Dalhin ko na tong juice ha? Salamat. Una na ko don. Bye" dire-diretsong sabi ko. Aalis na dapat ako nang mag-salita ulit sya. "I thought makaka-move on agad ako sayo. But I'm wrong. I just want to inform you Ella. I still like you. No. I still love you. Every day mas lalo kitang minamahal---" Diko na pina-tapos ang sasabihin nya tsaka ako lumingon sa kanya. "Rusty please. Ayoko ng masira pa ang pagka-kaibigan natin nila Cassy. So I hope maintindihan mo. Subukan mong magmahal ng isang babaeng mahal ka din. And I think Cassy will suit for you. Ayoko lang na nakikita kang nasasaktan" sambit ko sabay alis. Importante sakin si Rusty kaya ko nasabi yung mga yon. Ayoko syang masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD