Confession
Mikaella Vergara
Mahigit kumulang one week na rin pala ako dito with Mae at hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.
Ngapala. That day na uminom daw ako at nalasing. Pagpasok ko ng school kinwento sakin ni Cassy lahat ng napag-usapan namin. Kaya okay na ulit kaming tatlo nila Rusty.
Pero pansin ko nung araw na din yon puro ngisi sakin si Jaydee na hindi ko naman alam kung bakit. Kaya pilit kong iniisip kung may nagawa ba kong kalokohan nung araw na yon.
Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan.
Pumapasok na rin si Mae sa school na pinapasukan ko. Nag-stop muna sya sa modelling ng one year. Pinakilala ko na rin sila Jamila at Zhyra kila Mae, Cassy at Rusty.
Okay na ang lahat. Maliban lang dito sa bahay. Si Ace at Reinz kasi napapadalas ang pagiging sweet sakin na minsan hindi na ko nagiging komportable. Habang si Jaydee lumalayo na naman sakin. Pansin ko kasi ang pag-iwas nya sakin nitong mga nakaraang araw.
Dumadalas ang concert at fan signing ng Paint it Black. Ganon din ang shooting at modelling ni Jaydee.
Sumasama kami nila Rusty, Jamila, Zhyra at Cassy sa mga concert nila pero mas pinipili namin na sa likod na lang lagi umupo. At habang tumatagal lalo ko silang ini-idolo.
Si Mae at Vixen naman. Pina-alam na nila ang relasyon nila sa media. Syempre maraming na inggit. Pero marami ding natuwa. Perfect couple sila. Isang member ng sikat na banda at isang magandang model.
Napansin ko naman ang paglapit ulit ng loob ni Rusty at Cassy sa isat-isa. Kaya natutuwa ako para sa kanila.
Alam na rin nila Jamila at Zhyra na sa Paint it Black ako nakatira. Ayon bigla silang nagwala. But at the same time tanggap na rin nila. Minsan nga bumibisita pa sila dito at minsan kasama sila Rusty at Cassandra.
Sa loob ng one week maraming nangyari. Maraming na ayos. At marami ring nag-bago.
"Grabe. Di pa rin ako makapaniwala na makakasama kita sa iisang bahay Micka!" masayang sabi ni Mae.
Hmmm. Pang-ilang beses nya na ba yang nasabi?
Nasa hapag kainan kami ngayon at kumakain para makapag-ayos na rin sa pagpasok.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ella" tawag sakin ni Reinz
"Hmm?"
"Pwede ba kitang maka-usap bago ka pumasok?" napa-kunot noo naman ako sa tanong nya. Lahat kami napatingin sa kanya except kay Jaydee at Ace.
Nagkatinginan kami nila Mae bago ako sumagot.
"Sige" sagot ko.
"Sa rooftop" sabi nya sabay tayo.
Bat parang ang seryoso nya naman?
***•••***
Rooftop
"Ah Reinz. Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko kay Reinz ng makaakyat ako sa rooftop.
Nagulat ako ng may hawak syang boque ng flowers. Lumapit sya sakin tsaka nya ini-abot yung flowers sakin.
Naiilang ko namang tinanggap yon. "P-para san to?" nai-ilang na tanong ko sa kanya sabay ngiti ko ng pilit.
Pinilit kong hindi mailang pero ang hirap talaga.
Ngumiti naman sya sakin. "Hindi ba obvious? Gusto kita Mickaella." dire-diretsong sagot nya.
Hindi sa assuming pero malakas talaga ang kutob ko na yun yong sasabihin nya. Pero nagulat pa din ako. Napalunok ako. "A-ah k-kasi---"
Shocks! Almost one week and half palang kaming nagkakasama!
"You don't need to explain or say anything Ella. Kasi di naman patanong yung sinabi kong gusto kita" sabi nya sabay upo sa may bench don. Tumingin sya sakin sabay tap nya sa space na sa tabi nya, senyales na ma-upo ako sa tabi nya kaya na-upo naman ako sa tabi nya.
"You know what Ella. Hindi ko alam na magkaka-gusto ako sayo. Hindi naman kasi ikaw yung tipo ko. I mean maganda ka. Sobrang ganda. But still, napaka-ingay mo kasi gaya ng mga kaibigan mo. Pero kasi Ella. Ikaw lang ang nagparamdam neto sakin. Iniba mo yung perspective ko sa isang babae. Hanggat maaari ayokong kalabanin yung mga kaibigan ko" naguluhan ako sa mga huling sinabi nya.
Nagulat ako ng humarap sya sakin tsaka nya hinawakan ang dalawa kong kamay "Pero Ella. Gusto kitang ipaglaban. Gusto kong mapasakin ka Ella." dire-diretsong sabi nya.
Halos hindi ko mailunok ang sarili kong laway dahil sa narinig ko.
"R-Reinz kasi---"
"Ella. Be mine. Akin ka na lang please" huling katagang sinabi nya bago tumulo ang mga luha nya.
Hanggat maaari ayokong makasakit pero kung patatagalin ko pa to' mas lalo lang syang masasaktan. Nagulat ako. Oo. Pero hindi ko dapat sya sabayan. Kaylangan kong lakasan ang loob ko. Kaylangan nyang marinig ang mga sasabihin ko.
"Reinz. I-im sorry. Pero kasi, hindi tayo pareho ng nararamdaman. You mean a lot for me. Lagi kang nasa tabi ko and I will thankyou for that. Pero Reinz hanggang don lang yon" pagtatapat ko sa kanya.
At sa muling pagkakataon nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata nya. At dahil yon sakin. I know.
I'm sorry Reinz.
Na-estatwa ako sa kinauupuan ko ng bigla nyang hapitin ang bewang ko papalapit sa kanya at bigla nyang ini-angat ang mukha ko hanggang sa...
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang labi. Isang halik habang ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. Napapikit ako tsaka ko sya sinabayan sa galaw ng kanyang labi. Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Ilang segundo pa tsaka sya humiwalay sakin pero hawak parin ng isang kamay nya ang pisngi ko habang ang isang kamay nya ay naka-pulupot sa bewang ko.
The heck! Yung first kiss ko!
"I really like you so d*mn much Ella. So I'm sorry to tell you this. I won't stop liking you. Hindi ako titigil hangga't di ka napapasakin" then tsaka sya umalis.
Hanudaw?!
***•••***
Buong araw tahimik lang ako. Kung di tahimik tulala. Kahit sa klase.
Di ko alam pero ini-isip ko pa rin ang pag amin ni Reinz sakin at higit sa lahat yung first kiss ko!
Ilang beses na rin akong tinanong ng mga kaibigan ko pero ngini-ngitian ko lang sila sabay sabing wala lang to.
"Huy! Girl Ella. Kanina ka pa tahimik dyan ha. Okay ka lang ba?" tanong nung Vice president naming bakla.
Nginitian ko lang sya sabay sabing "Okay lang ako. Salamat"
Sabay labas ko. Tutal uwian na rin naman.
Para akong lantang gulay na naglalakad sa hallway. Aish!
"Wuy!"
"Ay palaka!--- Ano ba naman Mae?! Kaylangan talagang manggulat?!" sigaw ko kay Mae.
"Loka ka girl! Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka jan. Di kita ginulat no! Tara na sabay na tayo" sabi nya naman kaya napayuko na lang ako.
Pinulupot nya naman yung kamay nya sa braso ko.
Nang makauwi ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ini-hagis ko yung bag ko sa kung saan sabay salampak ko sa kama ko. Walang tao sa baba? So kami lang ni Mae ngayon ang nandito? O baka diko lang sila napansin? Hayst!
Napabuga ako sa hangin.
Hmm...
Ang sama ko ba?
Hayst! Nakokonsensya ako!
***•••***
Gabi na. Hindi naman ako pwedeng magkulong dito sa kwarto kaya naisipan kong bumaba
"Razzel. Amin na sabi yan!" rinig kong sigaw ni Zhyra.
Huh? Andito sila?
"Ayoko nga. Kunin mo sakin dali!" sigaw naman ni Razzel.
Tsk! Yan na naman sila nag-aasaran na naman sila.
"Ssh! Ano ba!? Magsisimula na yung movie oh! Wag kayong maingay!" saway naman sa kanila ni Jamila.
"Oh Micka! Andyan ka na pala! Ipapatawag na sana kita dito kay babe eh! Tara!" sigaw sakin ni Mae.
Pansin ko naman ang tingin nila sakin.
Kulang sila. Wala si Reinz at Jaydee.
"Ah. Oo. Iinom lang muna ako" diretsong sabi ko sabay punta ko ng kusina.
Wala ba silang lakad ngayon? So hindi busy ang Paint it Black?
Dumiretso agad ako sa Ref. I mean sa direksyon papuntang Ref. Hindi naman ako tanga para pumasok sa loob ng Ref.
"Kumain ka muna" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ace. Nagsandok sya nang mga pagkain.
"H-Hindi na. Hindi naman ako gutom ih" sagot ko sa kanya.
"Maupo ka" seryosong sabi nya sabay abot nya sakin ng isang upuan.
Wala na kong nagawa kaya sinaluhan ko na sya sa pagkain.
Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa natapos kaming kumain.
Kinuha ko na ang mga plato namin tsaka ko yun nilagay sa lababo para simulan nang hugasan.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong yakapin ni Ace mula sa likod ko. Atsaka nya pinatong ang baba nya sa balikat ko.
Shete! Nakikiliti ako!
"A-Ace"
"I love the moment when I feel your presence. I love every moment na kasama kita. I love the moment when I'm doing this to you. I love this feeling inside me na sayo ko lang nararamdaman. I love you Ella"
The heck! One week pa lang ako dito pero parang mababaliw na ko!
One week pa lang pero dalawang tao na ang umamin sakin! I hate this.