Tipsy
Mikaella Vergara
"Wait. Cass. Sayo tong cool na car na to?!" manghang-manghang tanong ko sa kanya habang ini-inspeksyon ko yung loob ng sasakyan nya.
"Yup. Bigay ni Dad. Ayoko pa nga sana. E kaso hindi na daw nya ko mahahatid sundo sa school. So binilhan nya na lang ako" paliwanag nya.
"Waaah! Ang daya talaga! Bat kasi ayaw pa nila dad na mag-drive ako ih!" pag mamaktol ko.
Napakadaya!
"Hahahahaha" tawa ni Cassy. Napatawa na rin ako. I missed this. Yung magaan sa loob na tatawa lang kami ni Cassy. I missed her. Buti naman at okay na kami.
"Wait Micka. Bat mo nga pala na isipang pumunta sa bar at mag-iinom? Imposible namang dahil lang sakin yon" pag tatanong ni Cassy.
And with that sentence bigla nalang nagbalik lahat nang nangyare kanina.
Pagka-rinig ko non napa-sandal na lang ako atsaka ako napabuga sa hangin.
"Hayst. Long story. But to make that story short, broken hearted ako ngayon" sabay ngiti ko.
"Ha?! Really?! How?! Kanino?! Kelan pa?!" atat na tanong nya kaya di ko maiwasang mapatawa. Kahit kelan talaga si Cassy napaka oa.
"Hmm kilala mo si Jaydee Avila?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin sabay balik ang tingin nya sa minamaneho nya.
"Sinong di makakakilala don? Oo naman! Sobrang sikat kaya non. Pati na yung buong grupo nya" napanguso ako.
"Tsk! That guy. Hindi ko alam kung mahal nya ba talaga ako. O mahal nya lang ako dahil ako si Micka" sabay hilamos ko sa mukha ko.
Hayst nai-irita na naman ako. Ang sakit lang kasi.
"Ha?! Wait. Naguguluhan ako. You mean ba na yung guy na tinutukoy mo ay si--- si Jaydee? As in Jaydee Avila?!" gulat na tanong nya nang ma-realize nya yung sinasabi ko.
Tumango-tango naman ako
"Weh?! Pfft. Ano ka ba Micka? Gising uy! Hahahaha. Seryoso ka?! Pfft. Mukhang lasing ka na nga hahahaha" pagka-sabi nya non napatingin ako sa kanya nang masama.
"Mukha ba kong nagbibiro?" seryosong tanong ko.
Napahawak naman yung kabilang kamay nya sa bibig nya at halata sa mukha nya ang pagkagulat.
"Omg! Seryoso ka nga?! Waaah! Ano bang nangyari girl?!" excited na tanong nya.
Napahinga ako nang malalim sabay kwento ko sa kanya simula umpisa hanggang sa nangyari ngayon.
"Ganon? Hayst mahirap nga yan. Bakit kaya di ka nalang magpakilala sa kanya ngayon bilang Micka?" suhestyon nya na ikina-iling ko naman.
"No. Ayoko. Bahala na" sabi ko sa kanya.
Besides pinipigilan din ako ng konsensya ko dahil sa aksidenteng nangyare sakanya.
"Ganon. Hayst. Ang dami nang ganap sayo na di ko nasundan. Pero sh*t! Ang swerte mo girl. Si Jaydee talaga? As in? Waaah!"
"Tsk! Hayst. Bahala ka nga jan. Ihatid mo na nga lang ako Cassy. Ang daldal mo din eh noh?"
"Oo na oo na. San ka ba kasi nakatira? Wala ka na don sa dati mong tinitirahan ih"
"Sa M****** Village. Sa bahay ng Paint it Black" sagot ko sa kanya. Dahilan para mai-preno nya nang bonggang-bongga yung sasakyan.
Tsaka sya humarap sakin ng gulat na gulat.
"What did you said?! Bahay ng Paint it Black?! Waaah!" tas ayon napatakip na lang ako sa tenga ko.
***•••***
Naramdaman ko ang pagbaba ni Cassy sa sasakyan pero di ko na lang yun inintindi. Nanatili akong nakapikit dahil sa sobrang pagka-antok.
Nahihilo ako. At parang may gustong lumabas sa bibig ko.
*Ding* *Dong*
*Ding* *Dong*
*Ding* *Dong*
"Ella? Ah wait I thought it was Ella. But who are you?" narinig kong tanong ni Jaydee.
Oo sigurado akong si Jaydee yon. Boses nya yun ih.
"Oh my gosh! Totoo nga! Akala ko talaga nababaliw lang yung kaibigan ko pero! Waaah! Totoo nga!" narinig kong sigaw ni Cassy.
Pinilit kong buksan ang pinto pero di ko magawa. Para akong hinahatak netong sandalan. Hindi ako makatayo.
"Tsk. May I know who are you, miss?" ramdam ko ang pagka-irita sa boses ni Jaydee.
"Ah. Ako nga po pala si Cassandra. Childhood bestfriend ni Micka hihihi"
"Mi-Micka?" bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko yung pangalan ko sa bibig nya.
"Yah. Ayun sya! Nagpaka-lasing. Hinatid ko lang sya dito kasi sabi nya dito daw sya nakatira ngayon"
Napansin ko ang pagtahimik ng paligid. Sunod non ang pagkabukas ng pintuan sa tabi ko. Pero nanatili akong nakapikit. Ewan. Ang bigat-bigat kasi ng mga mata ko ngayon. Siguro dahil sa dami ng nainom ko.
"Sh*t. Pasaway ka talaga" rinig kong sabi ni Jaydee hanggang sa maramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa ere. Sanaol lumilipad.
Waaah! Nahihilo ako! Oh no! Stop!
"Salamat sa paghatid. Ako nang bahala sa kanya"
"Salamat. Ah nga pala. Paki-lutuan na lang sya nang soup bukas. Sigurado kasing sasakit ang ulo nyan ih. Wag kang mag-alala. Magiging secret tong mga nalaman ko ngayon" sabay alis ni Cassy.
Na feel ko na naka-alis na yung sasakyan ni Cassy.
Waaah! Nahihilo talaga ako!
Takte mukhang ngayon lang e-epekto yung pagka-lasing ko ha!
Pilit kong minulat ang mga mata ko pero agad din akong napapikit ng maramdaman ko ang pagkahilo habang buhat ng kung sino mang-impaktong to!
Naramdaman ko ang unti-unting pag-akyat namin. Hmm. Siguro nasa hagdan na kami. Sa muling pagkakataon. Pilit ko ulit minulat ang mga mata ko.
Napakurap-kurap pa ko sa nakita ko.
Huwaaah!
Is this for real?! May anghel na bumubuhat sakin!
Nasan na yung demonyong Jaydee na yon?!
Itinaas ko ang kamay ko sabay hawak ko sa pisngi nya atsaka ko pinisil-pisil iyon.
"Huwaaah! Ang lambot! Huwaaah! May dimple ka din! Huhuhuhu. Bakit ako wala?! Wait lang. Waaah! Ang tangos ng ilong mo! T-tapos ang ganda pa nang kilay mo! Bat sakin hindi?! Huwaaah! Huhuhu. Omg!" napahinto sya sa pag sigaw ko ''Y-yung l-lips mo. A-ang sarap halikan. Waaah! Namumula yung pisngi mo! Hmm. May pakpak ka rin ba?"
Ang cute nya!
"Shh. Ano ba? Ang ingay mo" saway nya sakin. Sabay lapag nya sakin sa malambot kong kama "Tsk! Iinom-inom pa, di naman din pala kaya" rinig kong singhal nya.
Aalis na dapat sya nang hawakan ko ang kamay nya
"Tabi tayo hihihihi" sabay nguso ko.
"What the--- Hayst. Matulog ka na nga. Habang nakakapagpigil pa ko. f**k! Hindi ka pwedeng uminom ng may lalaleng nakakakita. Hindi ko hahayaang makita nila ang ganitong side mo" huling sabi nya bago sya umalis.
Ah! Kelan ko na ulit makikita yung angel ko?!
Mang iiwan! Magsama kayo ng demonyong Jaydee na yon!
***•••***
Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang kirot nito.
"Aish! Ang sakit!"
Pinilit kong tumayo nang mapansin kong naka T-shirt at short na ko.
Huh?! Pano ako nakapag palit?
Hayst! Wala akong matandaan!
Shit! Ang sakit ng ulo ko!
Ang pagkakatanda ko lang ay yung pagpunta ko nang bar! Yun lang!
Kahit nahihirapan pinilit ko parin na bumaba.
"Hahahaha. Ganon talaga sya sa States? As in nagwawala sya tas nakikipag sagutan?" narinig kong boses ni Razzel.
Napakunot noo ako. Bat parang ang weird ng bahay ngayon?
"Yah. Atsaka ganon sya pagnalalasing. Nakakatakot yon! At eto pa, mukha talaga syang monster. Swear. Kaya kung ako sa inyo di ko yan sasagutin pag-lasing nakakatakot. Swear! May wild side din yan pag nalalasing. Matatakot kang iwan yan pag nalasing dahil magugulat ka na lang, may humaharot na sa kanya na ibang lalake" rinig kong sabi ni Mae.
"Talaga?!"
"Ehem!" pagsabat ko sa kanila na ikinahinto nila.
"Oy Micka! Andyan ka na pala. Anyway masakit ba ulo mo? Wait lang nagluto ng soup si Cassy don" napakunot noo ako sa sinabi ni Mae.
Si Cassy? Bat sya nandito? A-akala ko ba galit sya sakin? Sa pagkakatanda ko, ang huling pag uusap namin ay sa room pa kung san kami nagka sigawan.
Agad akong pumunta sa kusina at laking gulat ko nang makita ko nga sya na tinitikman yung niluluto nya.
"Oh Micka. Gising ka na pala. Saglit lang matatapos na to"
"C-Cassy?"
Sinandukan nya ko ng soup. "Don't tell me nakalimutan mo?" tumango-tango naman ako. "Hayst. Sabi ko na nga ba e. Mamaya ko nalang iku-kwento sa school. Sige na. Uwi muna ako para makapag-ayos. Babye. See you" sabi nya sabay alis.
Napahinga ako nang malalim. Ano ba talagang nangyari? Nang biglang sumulpot si Mae sa tabi ko.
"Mae"
"Hmm?" tanong nya.
"Ano ba talagang nangyari sakin kagabi? Atsaka pano ako nakapag-palit? Nagsuka ba ko?" kinakabahang tanong ko.
"Aba malay ko ba kung anong nangyari sayo kagabi. Basta ang alam ko lang si Jaydee ang nagpalit sayo"
Halos mawalan ako ng hininga sa narinig ko.
What the hell?!
"What the f*ck?! Ano ba! Seryoso nga!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas hampas sya.
"Charot lang hihihi. Pagka-dating ko dito kagabi tinawag ako ni Jaydee. Lasing ka daw tas bihisan daw kita. Yon! Oh diba concern sayo. Yieee" pang aasar nya
sabay sundot-sundot nya sa tagiliran ko.
"Tsk!" singhal ko.