We will
Mickaella Vegara
Nakokonsensya ako.
"Ayos ka lang?" napatingin ako sa katabi ko nang mag salita sya.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba sya? Sabi nya mahal nya si Micka. Pero ako si Micka. Kung mahal nya si Micka bat di nya maramdaman yon sakin? Bakit di nya ko nakikilala?! Grabe ang sakit na ha!
Pero diba kasalanan ko naman to lahat?
Diba?
"Ah oo" sagot ko sa kanya.
"Yung kanina---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Lalo ko lang kasi nararamdaman yung sakit ihh.
"Wag na nating pag-usapan yon. Wala yon. Nai-intindihan kita. Ah ihinto mo na lang dyan Jaydee. May pupuntahan pa kasi ako ih" sabi ko sa kanya.
"Teka may pupuntahan ka pa nang ganito kagabi? Hell no Ella" may halong inis nyang sambit.
Bakit ba lagi nyang pinaparamdam sakin na nag-aalala sya?! Tsk kala mo naman totoo.
"Ah oo. Importante kasi. Di pwedeng ipagpabukas. Need ko na asap" sabi ko sa kanya
"Ganun ba? Anong oras ka uuwi para masundo kita"
"Hindi na. Uuwi din ako agad" pinilit kong ngumiti. But I can't.
"Sige. Teka can I ask you first?" tanong nya sakin.
Ano na naman kaya yon?
"A-ano ba ang buo mong pangalan?" napahinto ako sa tanong nya. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya.
"Mickaella Vergara" diretsong sabi ko. Nakita ko sa reaksyon nya ang pagka-gulat pero agad ding napalitan yon ng pilit na ngiti. "Why are you smiling?"
"May kapangalan ka kasi" sabi nya tsaka sya huminto sa pag-mamaneho.
"G-ganun ba? Sige baba na ko. Salamat"
"Ah Micka--Ella. Mag-iingat ka" paalala nya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka na ko nag-simulang mag-lakad.
Nag antay ako ng bus na dadating tsaka ako sumakay. Di-nial ko yung number ni Cassy pagkaupo ko. Di ko alam kung bat sya yung unang pumasok sa isip ko na kontakin. Basta naisip ko nalang na kaylangan ko ngayon ang childhood girlbestfriend ko.
Nagulat ako nang sinagot nya naman yung tawag. Ang inaasahan ko kasi di nya ko papansinin o di kaya papatayin nya yung phone nya.
Agad kong dinikit yung phone ko sa tenga ko.
(Anong kaylangan mo?) unang bungad nya sakin, napangiti na ako. Miss ko na sya.
"Cassy. Naaalala mo pa ba ko?" tanong ko sa kanya.
(Tsk. Ano bang tingin mo sakin? Nagka-amnesia? Bat ka napatawag? You're just wasting my time alam mo ba yon?)
Parang sumikip naman ang dibdib ko sa sinabi nya "Just a minute please. Lets just talk. Tagal na rin nating di nag-uusap ih"
(Ano bang pinag-sasabe mo? Nakainom ka ba Micka ha? Tsk umuwi kana) lalo akong napangiti ng maramdaman ko ang pag-aalala nya sakin.
"Hindi ako naka inom. Iinom palang. Tara samahan mo ko" pag-aaya ko sa kanya.
(Tsk ayoko. Umuwi ka na) inaasahan ko na yan ang isasagot nya.
"Ikaw bahala. Gusto kong uminom. Ngayon lang ulit kita naka usap ng walang sigawan. Kung gusto mo sumunod nandun lang ako sa Valerie's Bar, dun ako iinom"
(Hayst. Bat ba ang kulit mo?!) sabi nya sabay baba ng phone nya.
Ngumiti na lang ako tsaka sumandal sa bintana netong bus.
Ang bigat ng pakiramdam ko at ang gusto ko lang malabas to lahat sa pamamagitan ng pag-inom. Psh! Bahala na. Ngayon lang ako nag-aya uminom kaya sigurado ako nagulat si Cassy sakin. Di naman kasi ako umiinom. Na-trip ko lang ngayon.
***•••***
At Valerie's Bar
"Kuya isang glass pa nga po" nakakailang glass na ko. Akala ko di agad ako malalasing kasi glass lang naman to pero sa dami ng nainom ko. Mukhang bote na ang nainom ko.
Hihihihi!
Pagka-abot sakin nung kuya nang glass i-inomin ko na dapat yon ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Micka. Tama na" napatingin ako sa nag salita. Grabe ang labo na ng mata ko. Parang umiikot yung mundo. Sa kanya. Pfft! HAHAHAHAHA. How come na naging ganito ako ka corny?
"Oyy! Cassieee! Dumating ka!" sigaw ko kay Cassy sabay yakap ko dito. Pero agad din akong natumba kaya inalalayan nya kong maka-upo.
Bwiset na mundo to. Iikot na lang, sa mukha ko pa!
"Ssh! Ano ba?! Wag ka ngang maingay. Tsk. Halika na uuwi na tayo. Dun ka muna samin" seryosong sabi nya.
"Ayoko! Tapos ano? Magagalit ka na naman sakin? Wag na. Hayaan mo nalang ako dito hihihi" sabi ko sa kanya sabay upo ko ulit.
"Tsk. Tingin mo maiiwan kita dito? Ano na lang sasabihin sakin nila Tita pati nila Mama? Umayos ka nga. Tara na" sabay akay nya ulit sakin pero bumitaw din agad ako sa kanya.
"Ayy oo nga pala. Yung reputation mo yung iniisip mo hihihi. Nakalimutan ko sorry. Wag ka mag-alala sakin. Kaya ko na dito. Kinaya ko nga na wala kayo ni Rusty sa tabi ko, ngayon pa kaya?" sabi ko ulit sa kanya.
"Ano ba Micka?!" iritang sigaw nya.
Agad akong napayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Naiiyak ako.
"Alam mo ba? N-nung lumayo kayo sakin? N-naisip ng mga tao sa paligid ko pati na yung mga schoolmate ko na siguro daw masama akong kaibigan, na baka daw pinlastik ko kayo. Nakakatawa diba? Ayaw nilang makipag-kaibigan sakin kasi iniisip nila na kasalanan ko kung bat kayo lumayo sakin. Tsk. Ganon ba yon Cassy?" agad kong ibinalik ang tingin ko sa kanya pero napayuko lang ulit ako
"Lagi akong napapa away non kung kani-kanino. Detention lagi ang bagsak ko. Kaya nga sobrang saya ko ng dumating sa buhay ko sila Jamila at Zhyra. Kaso ini-isip ng iba pinag-palit ko kayo ni Rusty sa kanila. What a childish. So immatured. Ewan ko ba sa school na yon! Mga studyante nila ang iimatured! Hindi nila alam ang nangyari. Di nila alam na kaya kong gawin lahat bumalik lang kayo. Bumalik ka lang. That's why I really hate those people. They always want to judge me. Kilala ba nila ako? Ha?! Di naman. Tsk. Papanget nila!" naiinis na sabi ko sabay punas ko ng mga luha kong patuloy na nahuhulog.
"Micka..." ramdam ko na hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang sabihin.
"Wala akong gusto kay Rusty. Cassy nami-miss ko na kayo. Yung dating tayo. Next time naman kung aalis kayo ng walang dahilan, mag-paalam muna kayo. Ang sakit kasi ih. Yung mga times na kaylangan ko kayo wala kayo. Wala yung mag-bibigay ng advice sakin. Wala yung mag-papagaan ng loob ko. Wala kayo. Ang sakit kasi" bigkas ko habang umiiyak. Piling ko lalong bumigat yung nararamdaman ko.
"T-tingin mo ba dahil lang yon kay Rusty? Micka hindi ako ganon kababaw! Lahat ng atensyon nasayo. Sila Mama at Papa. Magulang ni Rusty. Lagi ka nilang pinupuri. Masakit din yon para sakin! Yung tipong magulang ko piling ko mas mahal kanila kaysa sakin. Sabihin mo nang insecure ako. Pero pati ba naman si Rusty?! Micka piling ko lahat nalang inagaw mo sakin" naiiyak na sabi nya.
Piling ko nawala lahat ng pagka-lasing ko ng marinig ko ang dahilan nya.
"Im sorry. Di ko naman ginusto yon. Pero alam mo ba Cassy. Pagmag-kasama kami ni Mama. Lagi ka nyang pinupuri sakin. Ang talino mo daw kaya dapat lang daw na gayahin kita. Nainggit ba ko? Actually imbis na mainggit naging proud ako sayo. Dahil kaibigan kita. Mahal ka nila Tita, magulang mo yun ih. Alam mo yung mali? Mas pinili mong ipag-walang bahala at hindi pansinin ang love na hinahanap mo sa kanila. Mahal ka nila. Pero nangibabaw yang insecurity mo sakin. Ini-isip mo na kawawa ka? Tsk. Pasalamat ka nga meron kang magulang na katulad nila. Sinusuportahan ka nila. Lagi silang nag aayang lumabas. Pero lagi mong sinasabi na busy ka. Tas sasabihin mong hindi ka nila mahal? Tsk! Cassy hindi lang sayo umiikot yung mundo. Wag mong isipin lagi yang sarili mo. Isipin mo rin yung mga taong nababaliwala at nasasaktan mo" diretsong sabi ko sa kanya sabay tayo ko.
Aalis na dapat ako nang bigla syang mag salita.
"I'm sorry. Sorry kung di na kita nai-isip. Sorry kung napa-bayaan ko na yung friendship natin dahil sa insecurities ko. Sorry Micka" nagulat ako sa mga sinabi nya.
Agad akong napalingon sa kanya. Nang mapansin kong umiiyak sya ay agad akong lumapit sa kanya at yinakap sya.
"Please Micka. Bumalik na tayo ni Rusty sa dati. Miss na miss ko na kayo" lalo kong hinigpitan ang pagkaka-yakap ko sa kanya.
"We will Cassy"