Chapter 13 (His Side 2)

1045 Words
His side 2 Mickaella Vergara Namalayan ko nalang ang sarli ko na nakatakip ang dalawa kong palad sa aking bibig sa sobrang gulat ko. Panong nangyareng naaksidente sya? Bat di nila nabanggit sakin to? Kaya ba di nya ko naalala? Pero sabi nya naaalala nya ko? Ako ba yung babaeng tinutukoy nya? Oh baka naman ayaw nya lang talaga ako alalahanin? Ano ba talagang nangyayari? Ni hindi ko alam kung bat nagkusa yung katawan ko na sundan sya. Pagdating sa pool area hinanap ko agad sya. Nakaupo sya sa may bench habang nakayuko. Agad akong lumapit sa kanya sabay tabi ko sa kanya sa bench. "Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Nanatili syang nakayuko. "Desperado na ba ako? Kasi kahit ikaw, naiisip ko na sya. s**t!" singhal nya. Hindi ko sya maintindihan. Ano bang ibig nyang sabihin? "J-Jaydee. Ano bang problema?" tanong ko ulit sa kanya. Tumingala sya. Napansin ko ang pagtulo ng mga luha nya habang nakangiti. Hindi ko alam pero parang may biglang kumirot sa puso ko ng makita ko syang umiiyak. "Mahal ko sya. Matagal ko na syang mahal. Ang isa sa mga natatandaan ko about her is sikat sya sa school dati. Kilala ko sya bilang Micka. Lagi ko syang ini-istalk non sa mga room na pinapasukan nya. Basta lagi ko syang pinag-mamasdan mula sa malayo. Pinadadalhan ko din sya ng mga letters pero di nya ata ako napapansin. Hanggang sa naisipan kong gawan sya ng necklace. Couple necklace ang pinagawa ko na may pendant na MJ. Pinag-iisipan ko lagi kung kelan ko yun ibibigay sa kanya. Hanggang sa nagkaroon kami ng role play. Naka-pareha ko sya. Hindi ko alam kung pano ako nagkaroon ng lakas ng loob na hawakan ang kamay nya at pakalmahin sya. Sobrang saya ko nang araw na yon. Lalo na nung sinabi nyang mahal nya rin ko kahit scripted lang yun. Totoo yung mga sinabi ko sa kanya don na habang nabubuhay ako sya lang ang mamahalin ko. Inaya ko sya sa gig ko kasama ang Paint it Black, tsaka ko binigay ung necklace. Nakita ko sa mga mata nya ang saya. Kaso nung gabi ring yon nawala sya at umalis. Ni hindi na rin sya pumasok ng school at nawalan na ko ng balita sa kanya. And that day after ng gig hinanap ko sya. Umaasa ako na baka kahit sa daan lang makita ko syang naglalakad. Pero wala. Hanggang sa isang sasakyan ang di ko namalayang paparating" "J-Jaydee..." "Then nagising na lang ako na nasa hospital na ko. Kinwento ng mga kaibigan ko ang nangyare then nalaman ko na nag-ibang bansa na sya. Kung di pa ko tinulungan ng parents mo na bumangon di ko to maaabot. Di ako magiging sikat ngayon. That's why I owe them a lot. Inaamin ko na nagalit ako sa kanya non na hindi manlang sya nakapag-paalam sakin. Pero mas nangingibabaw yung pagka-miss ko sa kanya. Galit ako until now. Hanggang sa sinabi ko nalang sa sarili ko na ayoko na syang makita. Iniwan nya ko na parang wala lang. Gusto kong magalit sa kanya. Gustong-gusto ko. B-but I can't" sabay tingin nya sakin "Ella. Miss ko na sya. Miss ko na sya." napapikit ako ng mapansin kong unti-unti nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko "I love you Micka" sambit nya. Napamulat ako at napansing nakatingin sya sa mga mata ko. Parang nag-slow mo lahat ng bagay. Lahat ng nasa paligid. Diko alam ang dapat kong gawin. Nanlalambot ako. Di ko maiwasan ang pagtulo nang mga luha ko. Hindi ko alam ang mararamdamn ko. M-mahal ako ni Jaydee? "J-jaydee---" Nagulat ako ng bigla syang tumawa na parang nababaliw. "Syempre hindi ikaw yon. Nababaliw na nga ata ako masyado kay Micka. Sorry ha." sambit nya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. "Jaydee..." bigkas ko ulit. "Hindi ikaw yon. Imposible. Magkaibang-magkaiba kayo. Si Micka lang ang mahal ko but still, di ko alam ang mararamdaman ko pag-nagkita na ulit kami. It's weird that I love her but I really hate her a lot." sabi nya. Nginitian ko na lang sya sabay paalam ko na magre-rest room lang ako. Di ko na kaya. Ang sakit. Pano ko ba sasabihin sa kanya na 'Jaydee ako to, ang matagal mo nang hinahanap. Ako to si Micka. Bumalik na ko'  Sobrang sakit! It's not just because hindi nya ko nakikilala bilang Micka. But also nakokonsensya ako. He suffered enough. I mean suffering until now because of me. Jaydee Avila "Hindi ikaw yon. Imposible. Magkaibang magkaiba kayo. Si Micka lang ang mahal ko but still, di ko alam ang mararamdaman ko pag-nagkita na ulit kami. It's weird that i love her but i really hate her a lot." bigkas ko sa kanya tsaka sya ngumiti sakin at nag-paalam na mag-rerest room. Si Micka lang ang mahal ko kaya hindi ko maintindihan na pareho ang nararamdaman ko sa inyong dalawa Ella. Mikaella Vergara "Alis na po kami" paalam namin ni Jaydee kila Mae. "Sige Micka. Ahmm. Susunod na lang sila Mae at Vixen ha? May mga bisita pa kasi dito ih" sabi samin ni ate Fiona. Ate ni Mae. "Teka ate. Alam mo na doon nakatira si Micka kila Vixen? Tsk. Bat di mo agad sinabi sakin?!" gulat na tanong ni Mae. "Oo naman. Hindi naman porket kaibigan ko tong sila Vixen papayag na ko na tumira ka sa kanila. Kaya nung nalaman ko na dun din pala nakatira si Micka, pumayag na rin ako" paliwanag ni Ate. "Hayst! Di manlang sinabi. O sya! Bye Micka. See yah na lang" paalam samin ni Mae. Nginitian ko muna sya tsaka ako humarap kay Vixen. "Ikaw ng bahala sa kanya" sabi ko kay Vixen. Humarap naman ako ngayon kay Mae "Ngapala. Dun ka dumiretso sa kwarto ko ha? Tabi tayo hmm?" sabi ko kay Mae. "Oo naman! Babye chingu!" masayang sabi nya tsaka na kami umalis. ***•••*** Namuo ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Ewan ko pero gusto ko munang manahimik ngayon. Piling ko kasi sobrang napagod ako ng wala namang ginagawa. Hanggang ngayon kasi parang ang sakit pa din. Sobrang sakit. Gustong gusto kong magpakilala na sa kanya. Pero hindi ko alam. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Gusto kong magpahinga na lang muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD