Mall
Mikaella Vergara
Tamad akong napasandal sa bintana katabi ng inuupuan ko.
Walang magandang sa tanawin sa labas. Puro blurred na pag andar ng mga sasakyan ang nakikita ko dahil sa bilis magpatakbo ng sasakyan ni Jaydee.
Grabe ang tahimik naman.
Napabuntong hininga ako.
"Jiruhaeyo" mahinang sambit ko.
Kung ano-ano nang kinakalikot ko dito sa sasakyan nya pero nakaka-bored na talaga. Di tulad pag si Reinz ang nag-hahatid sakin nakakapag-kwentuhan pa kami, pero etong kasama ko ngayon? Parang pipe. Di manlang nag-sasalita.
Hayst.
"Jinja?" napatingin ako sa katabi ko ng magsalita sya.
Wait nakakaintindi ba sya ng Korean language? So narinig nya yung sinabi ko?!
Kaya umiling-iling ako nakakahiya naman. Nakikisakay na nga lang ako tas magrereklamo pa ko na nabo-boring ako. Syempre kahit papano may hiya padin ako.
"Hindi joke lang. Teka marunong kang mag korean language?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin bago sya nag salita.
"May mga world tour din kami sa iba't ibang bansa so we need too" sabi nya. Napatango-tango naman ako.
"Teka. Eto na. Dito na lang" sabi ko ng mapansin kong nandito na kami sa mall "Ah salamat. Sige mag antay ka nalang muna dito. Saglit lang ako o kaya naman mauna ka na at mag ko-commute nalang ako" sabi ko. Tsaka ko binuksan yung pinto ng sasakyan. Bababa na dapat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sakanya.
"B-bakit? May ipapabili kaba?" naiilang na tanong ko sa kanya.
"Sabay na tayong bumaba. Ipa-park ko lang tong sasakyan" napanganga naman ako sa sinabi nya. Bakas sa mukha nya ang pagka-seryoso. Di ko namalayan na nasara nya na pala yung katabi kong pinto.
Gulat lang akong nakatingin sa kanya.
Muli na nyang pinaandar ang sasakyan papuntang parking lot.
"T-teka. Hindi na kaylangan. B-baka pagka-guluhan ka nila don. Ano ba?!" medyo gulat ko pa ring sabi.
"Even though sikat ako bilang young artist. Siguro naman may karapatan pa din akong mag mall and besides sa tagal ko na sa showbiz wala pa naman ni isang fangirl ko ang nangahas na lumapit at yumakap sakin. Hanggang tingin at tili lang sila so don't worry. Solo mo ko ngayon" dire-diretsong paliwanag nya.
Napalunok naman ako. So seryoso nga sya? Bababa nga sya kasama ako?!
"E-eh p-pano ako?" di makapaniwalang tanong ko.
Pano na lang kung sugurin ako ng mga fangirls nya?! Edi wala na?! Masisira na ang pinaka-iingatan kong magandang mukha?!
"Don't worry. As long as katabi mo ko, walang gagalaw sayo. Atsaka kung iniintindi mo yung mabubuong issue tungkol satin. Wag kang mag-alala. Sila Ace and Razzel na ang bahala don. Besides..." tinignan nya ko mula ulo hanggang paa kaya napa-yuko ako "Hindi kita type" sabay ngisi nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Wow ha! Ang taas naman ng confidence nya!
Tingin nya sakin?! Type ko sya?! No way! Never!
Hayst! Bahala nga sya. Siguraduhin nya lang na walang mangyayari sakin. Bwiset sya! Di nya daw ako type?! Pake ko sa kanya?!
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa bintana kaya napatingin ako dito.
"Bababa ka dyan o gusto mong buhatin pa kita?" napamaang ako sa sinabi ni Jaydee.
Duh! What's wrong with him?!
Padabog akong lumabas ng sasakyan nya tsaka ko sya sinundan. Pero hanggat maaari hindi ako tumatabi sa kanya. Hanggang likod nya lang ako.
"Wae-geu-rae?" napatingin ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Noh mi-cheoss oh?" tanong nya ulit in sarcastic tone
Ano bang problema nya?! Una anong problema ko yung tanong nya sakin. Ngayon naman nababaliw na ba ako?! Siraulo ba sya?! Tas takte korean sya ng korean eh hindi pa naman ako masyadong bihasa don. Anong gusto nya? Sagutin ko sya ng bisaya?! Tsk! Parang timang.
"Pinag-sasabe mo dyan?!" iritang tanong ko sa kanya.
"Gusto mo bang magmukhang guard o personal assistant ko?"
"H-huh?" takang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa pwesto namin. Hayst. Oo nga naman. Bat ako nasa pinaka-likod nya? Para akong buntot nya. Hayyst baliw na nga ata ako.
"Tsk!" singhal ko sakanya sabay tabi ko sa kanya sa pag lalakad.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na ngumiti sya. Napangiti rin ako nang hindi ko namamalayan.
Pag-pasok ng mall kanya-kanya na ang tiliin at tinginan ng mga tao.
Pero di na namin inisip yon.
Pagpasok ng mall di muna kami nag-usap ni Jaydee pero mag-katabi kami habang naglalakad kaya may mga nabubuong bulungan tungkol samin ni Jaydee. Kesyo girlfriend nya ba daw ako, kung kami na ba daw, meron pa ngang nag-sabi na bagay daw kami kasi gwapo sya at well maganda daw ako.
May mga nagmamaktol naman na mga babae tuwing naiisip nila na baka kami nga ni Jaydee.
Hindi nalang namin sila pinansin at pumunta agad ako sa pinaka sikat na place dito. Ang bilihan ng mga jewelry. Tinignan ko isa-isa yon.
Naisip ko kasi mahilig din si Mae yung may birthday na friend ko. Mahilig sya sa pagko-collect ng mga alahas kaya eto yung gusto kong ibigay na gift sa kanya. Di ko pa pala na sasabi. Sikat na model din sya sa states. Hmm. Namamiss ko na sya. Marami dapat syang ikwento sakin lalo na sa boyfriend nya na dito daw naka-tira sa pilipinas.
"I will buy this one. Yung medyo malaki yung diamond" binili ko yung pinaka bago nilang labas ngayon na diamond necklace. I hope magustuhan to ni Mae.
Tsaka ko binigay yung card ko. Napatingin ako sa katabi ko kaso wala na sya. Napalinga-linga ako para sana hanapin ng mata ko sya kaso wala talaga. Hmm? Nasan naman kaya nagpunta yung lalaking yon? Sabi nya wag akong lalayo sa tabi nya tas sya naman pala tong aalis. Psh! Pasaway.
"Ah miss yung kasama mo kanina" napatingin ako sa cashier. "Si Mr. Jaydee Avila yon diba?!" masayang tanong nya na parang kinikiliti sa sobrang kilig.
"Ah. Opo. Sya nga po" Tsk chismosa.
"Wah! Talaga?! Sabi ko na nga ba ih. Teka bat mo sya kasama?! Teka. Don't tell me... Girlfriend ka nya?!" tanong nya na parang atat na atat malaman ang isasagot ko.
"Hin---"
"Yah sya nga. Is there something wrong miss?" nagulat ako sa biglang umakbay sakin.
The heck! Si Jaydee! A-at anong sabi nya?! Girlfriend?! Baliw ba sya?! Waaah!
"Lets go baby?" pag-aya nya sakin.
Nagsipag singhapan ang mga taong nasa paligid ng marinig nila ang sinabi ni Jaydee.
Di ko na magawang makapag-salita at maka-tanggi dahil sa gulat. Kinuha nya yong mga pinamili ko at napansin ko rin na may mga binili sya.
Habang nasa labas napansin ko ang malakas na bulungan at pagkalaki ng mga mata ng mga tao habang nakatingin samin.
The heck! Naka-akbay pala sya sakin! Agad ko na sanang tatanggalin yon ng bigla nyang hinigpitan ang pagkaka-akbay sakin.
"Ano ba baby? Galit ka na naman ba sakin?" Putek! Muntik na kong matumba dahil sa sinabi nya. Waaah! Ang lakas ng pagkakasabi nya at halos lahat nakarinig non! Waaah! Baliw na sya!
Agad akong humiwalay sa kanya sabay takbo ko papuntang parking lot.
***•••***
Buong byahe di ko pinansin si Jaydee. Shocks! Wala akong masabi sa sobrang hiya! Wah! Ano nang gagawin ko?!
Kung pwede ko lang ibangga tong sasakyan ngayon na gagawin ko talaga! Kaso naisip ko sayang yung nabuong mukha nila Mama and Dad kung mawawala lang. Sayang ganda ko.
Pagka-pasok ng sasakyan sa garahe ng bahay agad akong lumabas ng sasakyan nya tsaka ako dumiretso sa loob.
Dire-diretso lang ako at hindi na pinansin pa ang Paint it Black.
"Teka Ella. Ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Razzel kaya napatingin din ang iba sakin. Di ko na lang sya pinansin tsaka ako dumiretso sa taas.
Jaydee Avila
Napangiti ako. Pfft! Napipikon ba sya sakin? Di ko maiwasang hindi matawa dahil sa iniisip ko.
Ang cute nya hahaha!
"Hey DJ. Anong problema non?" tanong sakin ni Razzel. Di ko sya pinansin tsaka ako dumiretso sa ref at uminom ng tubig. Habang nag-sasalin ako ng tubig napansin kong papalapit sakin si Ace.
"May nangyari ba? Bat ganon yung itsura ni Ella? Parang iritang-irita" unang bungad sakin ni Ace.
Napansin ko naman na kami nalang pa lang dalawa yung nandito at wala na yung iba.
"Pfft wala" sabi ko sabay inom ng tubig.
"Ah ngapala DJ. May gusto sana akong sabihin sayo" seryosong sabi ni Ace.
Tinitigan ko muna sya tsaka ako kumuha ng mauupuan.
"Mukhang seryoso yan ha. About what? Tell me" seryoso ring tanong ko.
Namuo ang tension sa pagitan naming dalawa na hindi ko naman alam kung bakit. Di ko rin alam kung bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin nya.
"Natatandaan mo yung kinwento ko sayo na babaeng matagal ko ng hinahanap? Nakita ko na sya" seryoso ulit na sambit nya.
Natatandaan ko yun. Yun yung babaeng unang minahal nya. His first love. Sabay kaming naghanap ng babaeng nawala samin. Pero nakakapagtaka na nauna pa pala syang makakahanap ng hinahanap nya kahit di nya alam yung pangalan non.
Masaya ako para sa kanya.
"Ganon ba? So nasan na sya? Alam mo na yung pangalan?" tuloy-tuloy na tanong ko sakanya. Nakaramdam ako ng pagka-excite sa sasabihin nya.
Wala rin kasi akong alam sa mga tipo nyang babae.
Si Ace yung tipo ng taong hindi mabilis magkagusto. Kaya nga napapaisip ako lagi kung anong klaseng babae ang kinababaliwan nya.
Hmm. Sana mahanap ko narin si Micka.
"Ella" napatingin ako sa kanya ng banggitin nya yung pangalan ni Ella "Si Ella. Ella Vergara. Yung nakakasama natin dito sa bahay. Sya yung matagal ko nang hinahanap" pagkasabi nya non kumuha sya ng wine sabay inom nya nito.
Yung pagka-excite ko nawala. Dapat masaya ako para sa kanya pero bakit parang di ko magawa? Parang labag sa loob ko lahat ng naririnig ko sa kanya. Aish! Bakit si Ella pa?! Kainis!
Naiinis ako. Hindi. Galit ako. Galit ako sa mga nalaman ko. Higit sa lahat, galit ako kay Ace. At hindi ko naiintindihan ang sarili ko ngayon kung bat ganito ang nararamdaman ko.
"S-sigurado ka ba dyan?!" naiinis na tanong ko. Di ko alam kung bat ko nasabi yun pero yun talaga yung unang pumasok sa isip ko.
"Sigurado ako DJ" walang alinlangan nyang sagot.
Halos sabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.
"Bwiset! Pano mo nasasabi yan e diba di mo naman alam ang pangalan nya?! Baka naman nagkakamali ka lang" pagpupumilit ko sa kanya.
"DJ---" hindi na natuloy ni Ace ang sasabihin nya ng biglang sumingit samin si Ella.
"Sorry kung nakaabala ako pero magpapaalam lang sana ako. Pupunta na ko sa kaibigan ko. Baka malate ako ng uwi" pagpapaalam nya.
Napahinto ang atensyon ko sa kanya at sa suot nya. The hell.
Nakasuot sya ng gown na fit sa kanya. Isang fitted gown na kumakapit sa kurba ng katawan nya. Ang ganda nya. Sobrang ganda. Sa sobrang ganda nya, ang sarap nyang itago. Ang sarap nyang ipagdamot sa lahat.
She's so gorgeous. Beautiful and hot!
She's so perfect!
Ininom ni Ace ang natitirang wine sa baso nya tsaka sya tumayo.
"Samahan na kita" pagpe-presenta ni Ace.
Hindi ko kayang mag stay lang dito tas walang gagawin. She means something to me. I don't know why pero may kakaiba sa kanya na gusto kong malaman.
Kung totoo ngang si Ella ang matagal ng hinahanap ni Ace. At alam kong minahal ni Ace si Ella. Pero past na yon. Hindi sila kaya hindi dapat ako makonsensya.
Tumayo din ako.
"You're drunk. Ako na. Ako na ang sasama kay Ella" nagulat pa sila sa biglaang pag salita ko. Lalo na si Ace.
"D-DJ?" naguguluhang tanong ni Ace. Why? Tingin nya ba uupo na lang ako dito habang pinapanood ko kung pano nya kunin sa harapan ko si Ella? No way.
"Hintayin mo ko dito. Magbibihis lang ako. Kukunin ko na rin yung regalo natin kay Mae" sabi ko. Bumili din kasi ako ng susuotin ko at nang pang-regalo sa kaibigan nya. Besides na sakin yung regalo ni Ella kay Mae.
Di ko na inantay pa yung isasagot nila tsaka na ko dumiretso sa taas.
Wag kang mag alala Ace. Si Micka lang ang mahal ko. Pero kung may kinalaman si Ella kay Micka na parang nararamdaman kong meron talaga. Well I'm sorry in advance my dear friend, magkaka-interest talaga ako sa kanya.